^

PSN Opinyon

'Nakasakay ko si Jordan'

- Ni Michael Angelo S. De leon -
NAKAPAGLAKBAY na ba kayo sa ibang bansa? Nakasakay na ba kayo sa isang malaking eroplano. Naranasan ko na ang mga iyan kailan lang. Naranasan kong pumaimbulog sa kalawakan sakay ng isang malaking eroplano kasama ang aking mahal na ina. Medyo mahigpit nga lang ang seguridad bago makapasok sa eroplano. Mahigpit sapagkat kinatatakutan pa rin ang pagsalakay ng mga terorista sa World Trade Center at Pentagon na ang ginamit ay eroplano – ibinangga kasi sa building at napakarami ang namatay.

Ganoon man kahit na ganoon kahigpit, malaking katuwaan naman ang naging kapalit sapagkat nakatabi ko sa upuan si Michael Jordan. Hangang-hanga ako kay Jordan. Akalain n’yo ang matagal ko nang pinapangarap na makita ng personal ay makakatabi ko pala sa eroplano. Hindi ko nakausap si Jordan sapagkat nilapitan na kami ng isang flight stewardess. Ang flight stewardess ay maganda, mas bata at higit sa lahat, mas matangkad sa titser ko. Sabi sa amin ng flight stewardess, "Fasten your belt please." Siyempre, mabilis akong sumunod pati ang mama ko pero nakita ko si Jordan na hindi nag-fasten. Kaya naman agad siyang nilapitan ng stewardess at sinabi, "Will you fasten your seat belt, please."

Nakangiting sumagot si Jordan, "Hindi kailangan ni Superman ng seat belt."

Agad din namang sumagot ang nagagalit na stewardess, "Hindi nangangailangan ng eroplano si Superman. Kaya maaari bang isuot mo ang iyong seat belt!"

Ngorkkk... ngorkkk...ngorrk!

"Hoy, Angelo, gising na! Tanghali na," sabi ng mama ko. Nagulantang ako. Panaginip lamang pala ang lahat. Agad kong ikinuwento kay Mama ang buong pangyayari.

Sabi ni Mama na nagpapayo, "Hindi dapat ipagmalaki at ipagkatiwala ninuman ang kanyang sariling lakas, kayamanan, katalinuhan o ang kanyang katanyagan. Ito’y dapat lamang ipagkatiwala sa iisang makapangyarihan sa Lahat, ang May-ari ng Langit at Lupa, ang SIMULA at WAKAS!"

vuukle comment

AKALAIN

ANGELO

EROPLANO

GANOON

KAYA

MICHAEL JORDAN

NARANASAN

SABI

WORLD TRADE CENTER

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with