Mga salitang matalinghaga

SA pakikisalamuha ko sa mga taga-nayon ay marami akong narinig na mga salitang matalinghaga. Marami ang hindi ko maunawaan sa mga matalinghagang salita kaya madalas akong magtanong kay Tata Poloniong. Maliwanag siyang mag-eksplika ng talinghaga. Handang-handa siyang magpaliwanag.

Ang mga sumusunod na matalinghagang salita ang ipinaliwanag ni Tata Poloniong sa akin.

Bitukang manok
– nangangahulugang paikut-ikot lalo na kung ang katwiran ay halu-halo at mahirap unawain.

Buhay-alamang
– ibig sabihin ay madaling mamatay.

Karaniwang binabanggit ang kataga sa dahop ang buhay na paglukso ay patay.

Basang-sisiw
– tao na naiwan na parang ulila at walang makatulong. Ginagamit din pag ang isang manliligaw ay binigo ng isang babae.

Tawang-aso
– nakalolokong tawa ng tao na parang nang-aasar.

Kung minsan ang talinghaga ay bahagi rin ng katwiran. Narito ang ilang halimbawa na ibinigay ni Tata Poloniong.

Puting-tainga
– ang taong nagsasalita tungkol sa masamang asal.

Halang ang bituka
– taong napakasama na handang mamatay.

Matigas ang buto
– isang matatag na tao dahil nakatatayong mag-isa.

Binilog ang ulo
– Niloko o ginoyo ang isang tao.

Show comments