Kahit di Pag-IBIG member puwede sa Rent-to-Own Program

Dear Secretary Defensor:

Nabasa ko sa inyong column sa Pilipino Star NGAYON ang tungkol sa Rent-to-Own Program ng Pag-IBIG.

Ako po ay hindi miyembro ng Pag-IBIG ngunit miyembro ng Social Security System (SSS). Maaari po ba akong mag-avail ng Rent-to-Own Program kahit hindi miyembro ng Pag-IBIG? — GLENDA ng Rizal


Sa inaprubahang resolusyon ng Pag-IBIG Board, ang mga hindi miyembro ng Pag-IBIG ay maaaring maka-avail ng benepisyo ng mga programang pabahay sa pamamagitan ng pagbabayad na lamang ng dalawang taong kontribusyon. Hindi na kailangang maging miyembro ng Pag-IBIG ng dalawang taon. Ang pagbubukas ng pintuan na ito sa mga hindi miyembro ay upang ipabatid ang aming sinseridad.

Ang sinumang gustong mag-avail ng Rent-to-Own Program ng Pag-IBIG ay magsadya lamang sa aming tanggapan sa Rent-to-Own Program Office, 6th Floor, Atrium Bldg., Makati Avenue, Makati City at hanapin si Mr. Origenes "Abed" Abednigo, Marketing Head para sa inyong aplikasyon.

Show comments