^

PSN Opinyon

Media 'ginisa' ni GMA sa Gridiron night

BANAT NI BATUIGAS - Bening Batuigas -
MUKHANG nabaligtad ang pangyayari sa Gridiron night ng National Press Club (NPC) sa Manila Hotel noong Martes dahil si Presidente Arroyo ang gumisa sa mga kasamahan natin sa hanapbuhay imbes na siya ang gisahin. Maanghang ang mga salitang binitiwan ni Presidente Arroyo ukol sa umano’y pang-aabuso at corruption ng mga journalists at sa tingin ko hanggang sa ngayon ay nagdedebate pa ang mga kasamahan natin kung siya nga ba ay seryoso o nagbibiro lang.

"You need me to make hakot for you," ito ang ilan sa mga pasaring ni GMA sa mga journalists na ibig sabihin nilangaw ang affair kung hindi siya dumating. Hindi pala biro ang presyo ng isang mesa sa naturang okasyon. Ayon kay GMA, nagbayad ng P30,000 kada mesa ang mga businessmen at malalaking tao ng lipunan para lang mapalapit sa kanya. Maging si katotong Louie Logarta ng Philippine Daily Tribune na presidente ng NPC ay nagkumpirma na sa huling sandali na lamang nagkumahog magbilihan ng tiket ang mga parukyano nila nang malamang dadalo si GMA. Walang dumating na miyembro ng Gabinete sa naturang okasyon.

Ayon kay GMA, ’yon ang wise decision ng kanyang Gabinete dahil mas marami pa silang importanteng gagawin kaysa gugulin nila ang kanilang oras sa Gridiron night. Pero hindi pa rin pinalampas ni GMA ang mga hepe ng government agencies na sa tingin niya ay kailangan ng tulong ng "good press" para sila ay ma-promote o di kaya’y para hindi mabulgar ang kanilang ginagawang katiwalian.

Pinasaringan din niya ang business sector na pilit na sumisipsip sa kanya. Taun-taon kasing ginaganap itong Gridiron night at ang palaging ginigisa ay ang Presidente at ang mga malapit sa kanya. Pero sa nakaraang okasyon, sinira ni GMA ang protocol nang magsalita siya bago magsimula ang skit. Ibig sabihin, inunahan na niya ang mga mediamen na gusto siyang i-lampoon kaya’t maaaring naapektuhan na ang mga performers kaya’t hindi sila nakabawi. He-he-he! Nagulungan sila ni GMA, di ba mga suki?

Si Acting Press Secretary Silvestre Afable lang ang bitbit ni GMA. Maging ang kanyang asawang si Mike ay ini-snob ang affair dahil nabalitaan niya na pati siya ay ginawang katawa-tawa sa skit ng mga mediamen. Kung ang mga naglalabasang balita ang gagawin nating basehan, sobrang tame at boring daw ang skit. Kasi nga ba naman, nai-clear muna ito sa Malacañang bago ipalabas. Ano ’to censorship?

Pero kahit ano pa ang nangyari sa Gridiron night, mukhang hindi naman naapektuhan ang magandang samahan ng mediamen at ni GMA. Mukhang tanggap ng magkabilang panig na ganoon talaga ang mangyayari. Kung sabagay, tama lang ang okasyon dahil nakuhang magpahinga muna ni GMA bago isabak ang sarili sa pag-iikot sa buong bansa sa paggunita ng Labor Day na naging mapayapa naman.

AYON

GABINETE

GMA

LABOR DAY

LOUIE LOGARTA

MANILA HOTEL

NATIONAL PRESS CLUB

PERO

PRESIDENTE ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with