^

PSN Opinyon

Ectasy, 'in' sa Libis, Morato at Timog

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
Matindi ang operasyon ng mga anak-mayamang pusher ng ecstasy. Lantaran sila kung magtulak ng nasabing droga sa mga kamoteng clubs diyan sa Libis, Morato at Timog. PNP-Narcotics bossing Efren Fernandez, Sir!

Isang nagngangalang Tagle, ang tulak ng ecstasy sa mga dupang d’yan sa Libis. Sa halagang P1,200 presyo ng isang tableta ay magkakasundo kayo. Ika nga maganda ang sex tripping!

Sana pag-ukulan ng pansin ng Narcotics group ang ilang kamoteng clubs diyan sa Libis, Morato at Timog para mapangalagaan ang kaligtasan ng ating mga anak na babae. Kawawa sila kapag nagkataon! Sana huwag maging biktima ng "gang rape" ang mga ito.

Hindi klik sa mga dupang sa ecstasy ang shabu sa ngayon porke nahihirapan ang mga lagapot sa pag-iskor nito. Mahal kasi. Abot-leeg ang presyo nito sa bangketa lalo’t high grade ang kanilang babanatan.

Panatag ang loob ng ilang magulang sa kanilang mga anak na gumigimik sa Libis porke hindi nila alam ang nangyayaring milagro sa nasabing mga kamoteng clubs sa nasabing lugar.

Sayang ka bata kapag nagkataon. Huwag naman sana.

"Dumarami ang mga kabataan puro tamang hinala ang nasa isip," sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Anong tamang hinala?" tanong ng kuwagong Kotong Cop.

"Mga suspitsoso sila!"

"Bakit nagkaganoon?"

"Iyan ang epekto ng droga sa kanilang utak!"

"Paano natin mahihinto ang ganitong klaseng sakit ng lipunan?"

"May paraan diyan para mawala silang mga pusher."

"Ano?"

"Simple lang, KILL THE PUSHER!"

"Tama ka d’yan, kamote!"

ABOT

ANO

EFREN FERNANDEZ

KOTONG COP

LIBIS

MORATO

SANA

TIMOG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with