^

PSN Opinyon

Sa mga mag-ra-rally ngayon: Maging mahinahon

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Sa paggunita ngayon ng Labor Day, iba’t ibang mass actions ang gaganapin sa Metro Manila at iba pang dako ng bansa. Mga kilos protesta ay isasagawa ng mga labor unions sa pangunguna ng Kilusang Mayo Uno sa isyu ng pagdaragdag ng sahod, pagtaas ng singil sa kuryente, tubig at petroleum products at iba pang bilihin. Maging ang mga magsasaka, mangingisda estudyante at iba pang militanteng grupo ay magra-rally. Magsasagawa ang mga Erap Loyalist ng ‘‘demo’’ bilang paggunita sa madugong Malacañang siege noong nakaraang taon. Ang People’s Consultative Assembly nina Linda Olaguer-Montayre ay muling babatikusin ang mga programa ng pamahalaang Arroyo na kaagad namang kinontra ng 25,000 strong Metro Manila base Moro National Liberation Front na nagpahayag ng suporta sa gobyerno.

Binigyang-diin ni Manila Mayor Lito Atienza ang kanyang no permit no rally. Ang PNP, gaya ng paulit-ulit na sinabi ni PNP Chief Leandro Mendoza, ay nakahanda sa mga demontrations at ipatutupad nila ang maximum tolerance pero ang mga nagmamalabis at bayolente ay darakpin. Ang payo ng Bantay Kapwa sa mga magra-rally ay maging mahinahon. Iwasang uminit ang ulo na kadalasan ay humahantong sa gulo. Huwag maging marahas.

ANG PEOPLE

BANTAY KAPWA

CHIEF LEANDRO MENDOZA

CONSULTATIVE ASSEMBLY

ERAP LOYALIST

KILUSANG MAYO UNO

LABOR DAY

LINDA OLAGUER-MONTAYRE

METRO MANILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with