Kaya nagpasya ang grupo nila Marcelo na magtayo ng sariling unyon ng mga namamahala at pinagkakatiwalaang kawani. Noong ire-rehistro na nila ang unyon, tumutol ang kompanya. Ayon sa kompanya sina Marcelo raw ay walang karapatang makipagkasunduan sa pamahalaan ng kompanya dahil sila mismo ay bahagi ng pamahalaan. Sadyang kakatwa kung ang mga namamahala ay nakikipagkasunduan sa sarili. Tama ba ang kompanya?
Mali. Ang argumentong itoy binabalewala ang dobleng katayuan nina Marcelo bilang kinatawan ng pamahalaan at bilang empleyado rin. Kung talagang ang mga superbisor tulad nina Marcelo ay hindi iba sa pamahalaan, sila ay hindi rin maaring tanggalin sa trabaho. Papaano nga mapapaalis ng pamahalaan ang sarili nila?
Sa ilalim ng batas ang mga bisor at kapatas ay mga empleyado rin. Kaya may karapatan silang magsagawa ng mga kilos tungo sa pagbuo at gawain ng unyon. Ang pagtanggi laban sa kanlia ay unfair labor practice. Sa katunayan nga mas dapat pangalagaan ng kompanya ng kanilang kapakanan dahil sila ang pinagkakatiwalaan nito (Fil Oil Refinery vs. Fil Oil Supervisor and Confidential Union 46 SCRA 512).