^

PSN Opinyon

Unyon ng mga pinuno

IKAW AT ANG BATAS! - Jose C. Sison -
Si Marcelo ay isa sa 47 namamahala at pinagkakatiwalaang empleado ng isang kompanya. Sa nasabing kompanya, may unyon ang mga rank and file employees, kung kanino nakipagtungo at nakipagkasunduan ang pamahalaan ng kompanya tungkol sa mga karapatan at benepisyo ng mga manggagawa o collective bargaining agreement (CBA). Sa nasabing CBA malinaw na i-pinuwera o hindi isinama sina Marcelo.

Kaya nagpasya ang grupo nila Marcelo na magtayo ng sariling unyon ng mga namamahala at pinagkakatiwalaang kawani. Noong ire-rehistro na nila ang unyon, tumutol ang kompanya. Ayon sa kompanya sina Marcelo raw ay walang karapatang makipagkasunduan sa pamahalaan ng kompanya dahil sila mismo ay bahagi ng pamahalaan. Sadyang kakatwa kung ang mga namamahala ay nakikipagkasunduan sa sarili. Tama ba ang kompanya?

Mali.
Ang argumentong ito’y binabalewala ang dobleng katayuan nina Marcelo bilang kinatawan ng pamahalaan at bilang empleyado rin. Kung talagang ang mga superbisor tulad nina Marcelo ay hindi iba sa pamahalaan, sila ay hindi rin maaring tanggalin sa trabaho. Papaano nga mapapaalis ng pamahalaan ang sarili nila?

Sa ilalim ng batas ang mga bisor at kapatas ay mga empleyado rin. Kaya may karapatan silang magsagawa ng mga kilos tungo sa pagbuo at gawain ng unyon. Ang pagtanggi laban sa kanlia ay unfair labor practice. Sa katunayan nga mas dapat pangalagaan ng kompanya ng kanilang kapakanan dahil sila ang pinagkakatiwalaan nito (Fil Oil Refinery vs. Fil Oil Supervisor and Confidential Union 46 SCRA 512).
* * *
Maaaring mag-email kay Atty. Sison sa: [email protected]

AYON

FIL OIL REFINERY

FIL OIL SUPERVISOR AND CONFIDENTIAL UNION

KAYA

KOMPANYA

MAAARING

MARCELO

SI MARCELO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with