^

PSN Opinyon

Maraming gamit ang saging

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
NAPANSIN ko na maraming tanim na saging si Tata Poloniong kaya inusisa ko siya. Kasalukuyan siyang naghuhukay para taniman ng suwi.

"Bakit madalas na saging ang itinatanim ninyo?"

Ngumiti si Tata Poloniong, ‘‘Alam mo Doktor, ang saging ay isa sa tanim na halos lahat ng bahagi ay may gamit.’’

‘‘Talaga Tata Poloniong?’’ tanong ko.

"Opo Doktor,’’ at sinabi nito ang mga parte ng saging. ‘‘Ang puno ng saging ay lilim sa mga bagong tanim na gulay. Gamit ding sapin sa pinggan, pangbalot sa mga bunga at prutas, ang katawan ay pinagpupunlaan ng kabuti at ang ubod ay ipinapakain sa baboy."

Hindi ako umiimik habang patuloy ito sa pagsasalita.

‘‘Ang dahon ay ginagamit na pambalot lalo sa kakanin at suman. Ang puso ng saging ay masarap na gulay. Ang iba ay niluluto na parang hamburger. Talagang hindi mahahalata na puso dahil pareho ang hitsura at lasa."

"Masarap nga iyon, Tata Poloniong," sabi ko naman.

‘‘Ang bunga ng saging ay masarap. Makakain na hilaw, hinog, nilaga, prito at pansahog din.

‘‘Napakahusay nga ng punong saging.’’

‘‘Ang hindi ko lang gusto Doktor ay tinitirahan ng lamok ang puno."

‘‘Kailangan pala ay lilinisan lagi ang punong saging ano Tata Poloniong?’’

‘‘Tama ka Doktor.’’

ALAM

BAKIT

DOKTOR

GAMIT

KAILANGAN

OPO DOKTOR

SAGING

TALAGA TATA POLONIONG

TATA POLONIONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with