^

PSN Opinyon

Editoryal - Kailan maglilinis ang DPWH?

-
NALULUGI ng milyong piso ang Department of Public Works and Highways (DPWH) dahil sa malalaking suweldo nang napakaraming officer-in-charges (OICs) at mga "ghost officials". May kabuuang 129 OICs ang departamento sa buong bansa na umano’y lumobo dahil sa "padrino" o "bata-bata system." Ang isang kataka-taka, ang mga OICs ay nanatili sa puwesto kahit na walang mga kuwalipikasyon. Maski si DPWH Sec. Simeon Datumanong ay inamin na minimum lamang ang kuwalipikasyon ng mga OICs. Ang mga OICs ding ito ang dahilan kung bakit nahahadlangan ang mga karapat-dapat na ma-promote. Iyong may mga kuwalipikasyon ay nananatili sa isang tabi at hindi mabigyan ng pagkakataon gayong pakuya-kuyakoy at ayaw nang umalis sa puwesto ang mga hindi kuwalipikado.

Hindi na balita ang ganito sa DPWH na itinuturing na isa sa mga tiwaling departamento ng gobyerno. Laganap ang corruption dahil sa mga palsong kontrata na inaaprubahan ng mga buwayang officials. May katwirang malugi ang departamento sapagkat bukod sa pangungurakot ay nagpapasahod pa sa mga hindi kuwalipikadong OICs na nagbubutas lamang ng bangko.

Kapuna-puna na nalulugi na nga ang DPWH sapagkat isang matibay na katibayan na wala nang magamit ang kanilang mga trabahador habang sinusungkit ang mga basurang nakabara sa mga drainage kahapon sa bahagi ng Dimasalang, Sampaloc. Dalawang DPWH employees ang gumagamit lamang nang pinagdugtong-dugtong na kawayang patpat para sondahin ang mga basura sa drainage. Hirap na hirap ang dalawang trabahador habang ipinapasok sa butas ang dugtung-dugting na kawayan. Alam kaya ng DPWH Secretary ang pagkamiserableng ito?

Sa panahon ngayon na naglipana ang mga makabagong makinarya para mapabilis ang trabaho, napag-iiwanan ang DPWH at nagiging mabagal sa pagtupad ng tungkulin. Tiyak na magiging matagalan ang pagsalaksak ng kawayan sa mga butas para makuha ang mga basurang magiging dahilan ng pagbaha. Sa Hunyo ay tiyak na magiging dagat na naman ang Metro Manila dahil sa pagbaha. Walang madaanan ang tubig sapagkat barado ng mga basura.

Milyon ang nalulugi sa DPWH dahil sa mga hindi kuwalipikadong OICs na nagbubutas lamang ng bangko. Gaano karaming pera ang matitipid kung sila’y aalisin at magamit sa pagbili ng mga modernong gamit para mapabilis ang trabaho nang hindi nagdurusa ang taumbayan lalo na kung panahon ng pagbaha?

ALAM

DALAWANG

DEPARTMENT OF PUBLIC WORKS AND HIGHWAYS

DPWH

METRO MANILA

OICS

SA HUNYO

SIMEON DATUMANONG

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with