'Cancer' sa bigas paninira
April 29, 2002 | 12:00am
Usap-usapan ngayon ang natuklasan umano ng mga siyentista sa Stockholm, Sweden na ang pagkain daw ng bigas ay nakaka-kanser. Pati ang patatas ay napatunayan daw nilang may cancer causing ingredient.
Sa tingin koy iresponsable ang impormasyong ito dahil wawasakin ang isang matatag na industriya lalo na rito sa Asia ang pagtatanim ng palay.
O baka iyan talaga ang layunin ng balitang ito mula sa Europa: ang ibagsak ang industriya ng bigas para mai-promote ang sarili nilang produkto.
Di nga ba ang industriya ng niyog sa bansa ay bumagsak noong araw dahil sa ganyang demolisyon. Ipinamalita ng mga siyentistang dayuhan na ang niyog, lalo na yaong galing sa Pilipinas ay nagtataglay ng kimikal na carcinogenic o nakaka-cancer.
Panahon pa ng ating mga ninuno ay kumakain na tayo ng bigas. Rice is our basic food. Parang hindi kumpleto ang agahan, tanghalian at hapunan kung wala nito.
Dapat siguroy matagal nang nilipol ng cancer ang bawat Pilipino kung talagang may ganyang epekto ang bigas.
Pero buhay na buhay pa rin tayo at namamayagpag! Yung ngang ibay nangangalakal pa ng droga at nangingidnap. Bakit hindi sila dinapuan ng cancer?
Hindi nakaka-cancer ang bigas. Ang alam ko, ang mga taong walang makaing bigas ay namamatay sa gutom.
Ang alam kong nakaka-cancer ay ang ating nasasalantang kapaligiran. Pati nga gatas ng ina ngayon ay sinasabing nakaka-cancer dahil sa polusyong nalalanghap ng tao.
Dahil sa masasamang elementong nasok sa katawan ng tao, pati ang gatas ng mga nagpapasusong ina ay nahahaluan ng lason.
Pero huwag tayong kaagad maniwala sa mga bali-balitang posibleng may intensyon lamang na manira ng ating mga produkto tulad ng bigas. Baka ang layunin niyan ay umiwas tayo sa bigas at umangkat ng trigo mula sa ibang bansa.
Kawawa naman ang ating farmers.
Sa ngayon ngay luging-lugi sila. May mga rice producers na tumigil na sa kanilang negosyo dahil dito.
Kay tindi ng kompetisyon sa bigas ng mula sa Thailand o China na ibinebenta nang napaka-mura.
Ano na ba ang nangyari sa industriya. Tayo lang ang nagturo sa ibang bansa nang tamang pagtatanim ng bigas sa pamamagitan ng International Rice Research Institute sa Laguna. Ngayon tinalo pa tayo!
Ngayon lalabas pa ang ganyang balita na lalong magpapabagsak sa industriya ng bigas!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 20, 2024 - 12:00am