Jueteng tuloy sa Lucena, DILG nakatunganga
April 27, 2002 | 12:00am
PASALAMATAN natin ang mga pulis na sina Sr. Inspector Bobby Palisoc, deputy ng WPD Station 9 Narcotics unit; PO2 Angelito Espiritu, PO1 Danilo Buniel ng WPD Station 5; P03 Edgar Agbuya at PO4 Elmer Gutierrez ng Paco Police Community Precint; SPO1 Benjamin Faustino ng WPD District Tactical Operations Center at Sr. Inspector Ernesto Salting ng DHSU. Ang mga pulis na ito ay nagtulung-tulong para sakotehin ang isang Boy Boada, isang siga-siga na gustong pumatay sa mga kuwago ng ORA MISMO habang sila ay nasa Modesto St., Ermita, Manila. Mabuhay kayo, ani Itchie.
Ang isyu natin ay ang kapulisan sa Lucena City at maging ang ilang kamoteng pulis-patong diyan sa Region 4. Talamak ang jueteng at droga diyan sa Lucena City na hanggang sa ngayon ay hindi binibigyan pansin ng tutulog-tulog na awtoridad. Lucena City Mayor Talaga, hindi mo ba talaga alam ang bagay na ito?
Matindi kuno ang kampanya ng Department of Interior and Local Government sa nasabing bisyo pero ang ilan sa mga ahento nito ay madalas nakikitang nakatunganga na parang nagbibilang ng pera sa kanilang palad? Take note, DILG Secretary Joey Lina, Your Honor.
May intelihensiya bang tinatanggap ang mga taga-DILG kaya parang wala silang pakialam sa nangyayari sa Lucena City? Prez Gloria Macapagal-Arroyo, just asking?
Ang grupo ni Amato at Boy Argumento ang utak ng lahat ng uri ng bisyo sa Lucena City sa bendisyon ng kanilang among taga-Corinthian Garden? Mayor Talaga, talaga bang hindi mo alam ang jueteng sa nasasakupan mo? Nagtatanong lang po!
Ang kapulisan sa Region 4 lalo ang Regional Intelligence Unit nito ay wala rin daw alam sa nangyayaring illegal gambling game sa nasabing lugar porke hindi natin nakikita o nababalitaang may nahuling mga kamote? PNP bossing Leandro Mendoza, Sir.
Bakit lihis ang operasyon ng DILG sa Lucena City at talamak ang jueteng at droga? tanong ng kuwagong Kotong Cop.
Baka minamanmanang mabuti bago upakan ang illegal operations nina Amato at Boy Argumento? sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.
Palagay ko nga may katwiran ka, sabi ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.
Siyempre kailangan munang mapuno ang bulsa bago kumilos ang mga kamote?
Tumpak ka diyan kasi ang balita ay babalasahin ang PNP?
Sana masama ang mga aswang sa balasa.
Abangan natin ito!

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest