^

PSN Opinyon

Editoryal - Kung totoong ayaw sa illegal gambling

-
MASARAP pakinggan na laban si President Gloria Macapagal-Arroyo sa pamamayagpag ng illegal gambling sa ating bansa. Maraming beses na rin niyang sinabi ito noong kauupo pa lamang siya. Hindi siya makapapayag na ang bansang ito ay pagharian ng mga sugarol. Habang laban siya sa illegal gambling, patuloy naman ang pamamayagpag ng mga gambling lords at maging sa Pampanga na kanyang probinsiya ay talamak ang jueteng.

Noong Lunes ay minsan pang kinakitaan si GMA nang pag-ayaw sa illegal gambling nang tahasan niyang tanggihan ang balak ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na magtayo ng Casino University (CU). Hindi umano siya papayag na magkaroon ng casino university. Ayaw niya na ang kultura ng pagsusugal ay tumimo pa nang tumimo sa mga Pilipino.

Marami ang nagtaasang kilay nang ipahayag noong nakaraang linggo ng Pagcor na magtatayo ng special academy na mag-o-offer ng bachelor degrees sa casino operations and management. Sinabi ni Pagcor chairman Ephraim Genuino na kung matutuloy ang CU, ito ang kauna-unahan sa Pilipinas at maging sa buong mundo. Ang CU ay mag-o-offer din diumano ng mga short term courses ukol sa mga popular casino games gaya ng blackjack, roulette, craps and poker at maging nga non-degree programs para sa mga teller, casino accountants, bingo managers, building administrations and security personnel.

Hindi namin iniaalis ang punto ng Pagcor na sa hinaharap ay makapag-train ng card dealers at makapag-develop ng casino skills para makipagpaligsahan ang Pinoy sa buong mundo subalit ito ba ang pinakamabuting paraan. Gaano ang gagastusin sa pagtatayo ng CU na siyempre’y manggagaling din sa kaban ng bansa. Uunahin pa ba ito kaysa sa pagtatayo ng mga schools sa mga barangay na lubhang kailangan ng mga bata? Hindi ba’t mas maganda na kung ang gagastusin sa CU ay ilaan na lamang sa mga gurong magtuturo ng Science, English at Math. Kulelat ang mga kabataan ngayon sa tatlong subjects kaya nga pinagsisikapan sa kasalukuyan ng Department of Education na makapag-hire ng mga magagaling na guro.

Tama si GMA na tutulan ang CU na magpapalawak lamang sa kultura ng gambling sa bansang ito. Mas lalong tatama kung ang lahat ng illegal gambling gaya ng jueteng ay mawala na rin at nang hindi na nalulubog sa hirap ang mga mahihirap.

AYAW

CASINO

CASINO UNIVERSITY

DEPARTMENT OF EDUCATION

EPHRAIM GENUINO

NOONG LUNES

PAGCOR

PHILIPPINE AMUSEMENT AND GAMING CORPORATION

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with