^

PSN Opinyon

Kontrobersyal ang PAGCOR Academy

- Al G. Pedroche -
TUTOL si President Gloria Arroyo sa plano ni PAGCOR Chair Efraim Genuino na magtayo ng PAGCOR Academy gaya nang natalakay natin sa kolum na ito kamakailan.

The President was probably influenced by negative commentaries against the plan.
Isa sa mga tumututol sa proyekto ay ang Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP). Ayon kay Bishop Oscar Quevedo, mas makabubuti kung magtatayo ng low cost housing o kaya’y vocational courses ang PAGCOR.

Mahigpit ding tutol sa plano si Bayan Secretary General Teddy Casiño bagamat ang apelyido niya’y tunog "casino." Hindi raw dapat ma-institutionalize ang kultura ng pagsusugal sa pamamagitan ng pagtatayo ng paaralan na ang ituturo’y tungkol sa casino management.

Okay sana ang mga taong naninindigan sa kanilang prinsipyo. Pero dapat consistent sila sa kanilang paninindigan.

Halimbawa, si Mr. Casiño, ayon sa aking reliable source ay tumatakbo rin sa PAGCOR kapag ang kanyang organisasyon ay nangangailangan ng pondo.

At totoong maraming natutulungan ang PAGCOR. Pati nga ang National Press Club of the Philippines ay dumudulog dito kapag may mga major fund raising projects.

Bilang vice president ng NPC which is presently under the stewardship of President Louie Logarta, kabilang ang PAGCOR sa mga institusyong dinulugan namin para mabayaran ang bahagi ng malaki naming pagkakautang sa labor union ng club. Nagdonasyon sa NPC ang PAGCOR ng P500,000 para sa inilunsad naming An Evening With the President noong isang taon, isang tribute kay Pangulong Arroyo.

Of course malaking tulong din ang P1 milyong donasyon ni Presidente Arroyo mula sa kanyang President’s Social Fund na siyempre’y nagbuhat din sa pondo ng PAGCOR.

And it is common knowledge na ang Catholic church
ay natutulungan din ng malaki ng pondong mula sa mga casino na pinatatakbo ng PAGCOR.

Besides,
tingnan natin ang rekomendasyon ni Bishop Quevedo na magtayo na lang ng low cost housing. Napakaraming murang pabahay ang hindi natitirhan at nabubulok lang. Why? Kasi wala pa ring kakayahan ang mga mahihirap na bumili nito.

Bago ka maglunsad ng ganyang proyekto, iangat muna ang kakayahan ng mahihirap na kumita ng salapi. Ang "low cost" ay may cost pa rin na dapat bayaran ng isang mahirap.

Minsan nga’y tinawagan ko sa telepono si Chairman Genuino para usisain ang tungkol sa kanyang proyekto. Sabi niya, layunin ng kanyang panukalang academy na magsanay ng mga casino managers at hindi ng mga sugarol. Mga casino managers na very much in demand lalo na sa ibang bansa.

"We will be exporting expertise and not bodies,"
sabi ni Chairman.

Kaya nga lang, tinutulan na ito ng Pangulo. Sabi ni Genuino, wala silang magagawa kundi sundin ang kagustuhan ni Ate Glo.

Pero umaasa pa rin siya na ire-reconsider ng Pangulo ang kanyang desisyon.

AN EVENING WITH THE PRESIDENT

ATE GLO

BAYAN SECRETARY GENERAL TEDDY CASI

BISHOP OSCAR QUEVEDO

BISHOP QUEVEDO

CATHOLIC BISHOPS CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CHAIR EFRAIM GENUINO

CHAIRMAN GENUINO

PAGCOR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with