^

PSN Opinyon

Editoryal - Kanino lalapit ang api't kawawa ?

-
HINDI masisisi ang mga naaapi o kawawa kung mawalan na ng tiwala ngayon sa mga awtoridad partikular sa mga alagad ng batas. Paano’y ang mga alagad ng batas na ang tungkuli’y protektahan ang mamamayan ang siya pang nag-aasal gutom na buwaya na sumisila lalo pa sa mga kawawang biktima. May katwiran ang mga kawawa na huwag nang humingi ng tulong sa mga alagad ng batas sapagkat mas grabe pang disgrasya ang kanilang tatamasahin. Sa halip na tulong ang kamtin ay pagkasalaula pa ng sarili ang hahantungan at daranasin.

Isang magandang halimbawa ay ang nangyari sa isang babaing witness na ni-rape ng prison guard. Ang babae na itinago sa pangalang Evangeline ay nasa ilalim ng Witness Protection Program (WPP) ng Department of Justice (DOJ). Si Evangeline ay nag-iisang witness sa pagpatay sa kanyang ama. Habang nasa ilalim ng WPP, nasa isang safehouse si Evangeline, kasama ang kanyang asawa at apat na taong gulang na anak.

Ang prison guard na nang-rape kay Evangeline ay nakilalang si WPP Guard Gerry Lintan. Ayon sa biktima, ni-rape siya ni Lintan noong March 26. Sinikmuraan siya ng guwardiya at nawalan siya ng malay. Nagtagumpay ang "gutom" na guwardiya. Noong March 28 ay nagtangka na naman si Lintan na reypin si Evangeline subalit nakadampot siya ng kutsilyo kaya hindi naituloy ang balak. Nasaksihan ng kanyang anak ang pangyayari at ito ang nagsumbong sa ama.

Ang masaklap nang ireport ang panggagahasa kay WPP Director Leo Dacera III, hindi nito binigyang pansin ang sumbong ng biktima at pinalabas pa umanong may illicit relationship ito kay Lintan. Lumalabas na pinoprotektahan pa nito ang guwardiya.

Sinibak na ng DOJ ang guwardiya subalit nakapagtataka na hindi inaksiyunan ang sumbong na rape ng biktima. Ganoon na lamang ba iyon? Pagkatapos wasakin ang dangal ay pagsibak lamang ang katapat. Wala pa ring ginagawang aksiyon ang DOJ sa malaking kapabayaang ginawa ni Dacera na sa halip dinggin at aksiyunan ang sumbong ng biktima ay winalang-bahala at ininsulto pa.

Masisisi ba ang mga nagdarahop, api at kawawa kung mawalan ng tiwala sa mga alagad ng batas? Ang nangyari kay Evangeline ay isang halimbawa lamang. Marami pang pangyayari sa lipunan na ang mga sawingpalad ay hindi dinidinig at pinababayaan. Kanino pa sila lalapit sa pagkakataong ito?

AYON

DEPARTMENT OF JUSTICE

DIRECTOR LEO DACERA

EVANGELINE

GUARD GERRY LINTAN

LINTAN

NOONG MARCH

SI EVANGELINE

WITNESS PROTECTION PROGRAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with