Gaya nang nasabi na natin, nagsisipagprotesta ang maraming IT graduates dahil wala silang makuhang trabahong angkop sa kanilang pinag-aralan.
May pangako si Presidente Arroyo na gagamiting instrumento ang IT sa programa ng pamahalaan na paunlarin ang ekonomiya at sa pangakong ito, these protesting young graduates are banking their hopes.
Sa munting maiaambag ng kolum na ito ay nais rin nating sumuporta sa hinaing ito ng ating mga kabataan. Maliit man tayong tinig, sa kakakalampag sa mga kinauukulan ay umaasa tayong matatauhan din sila.
Nitong linggong nakaraan, muling nagdaos ng rally ang mga kabataang ito sa pangunguna ng Union of Fresh Leadership (U-Lead), isang grupo ng mga dating aktibista at kabataang leader ng bansa. Naka-suot pa sila ng toga na nag-martsa sa Mendiola na di kalayuan sa Malacañang.
Nakatutuwa na sumuporta rin sa kilos-protestang ito ang ibang militanteng grupo gaya ng Akbayan, Kalipi (Kabataang Liberal ng Pilipinas) at iba pa.
Ayon kay Larry Madarang, spokesperson ng U-Lead, nais ng mga kabataan na maipadama sa Arroyo administration ang panghihina nila ng loob dahil sa kawalan nila ng trabaho bagaman at silay naturingang mga IT professionals.
Nasabi na natin na ang pangunahing clamor ng mga kabataang itoy mai-angat ang kalidad ng IT education sa bansa. Umaasa ang mga kabataang ito na ang Pangulong Arroyo ay kikilos na kaugnay nito.
Hinamon din nila ang mga batang industriyalista tulad nina Tessie Sy-Coson, Yvone Yuchengco, Vivienne Tan, Jaime Augusto Zobel de Ayala at Lance Gokongwei na sumuporta sa kanilang ipinaglalaban.
Bakit nga hindi? Afterall, sila ang mga sinasabing young captains of the industry at natitiyak kong dahil silay mga bata rin, sensitibo sila sa hinaing ng kapwa nila kabataan.
Umaasa ako na magkakaroon ng makabuluhang resolusyon sa problema ng mga kabataang ito. Kung tutuusin, hindi lang ito suliranin ng mga kabataang IT graduates na walang trabaho. Itoy problema, at mabigat na problema ng buong bansa na sa ngayoy nagdurusa sa kakulangan ng empleyo at sa humahabang pila ng mga walang trabaho.