Nurse pinatay ng amo
April 21, 2002 | 12:00am
Noong umaga ng Abril 12, namatay sa isang tama ng bala sa dibdib ang biktimang si Belma Abella, isang nurse na umanoy matagal nang naglilingkod sa mayamang pamilyang Madrigal.
Ang suspect ay ang amo nitong si Marybeth de Leon. Ayon sa driver-bodyguard nito na si Wences Tablang, ay hawak-hawak ng suspect ang baril na ginamit habang nasa loob ng BMW na nasa kanto ng Tropical at Elizalde St. sa Talon, Las Piñas.
Ayon sa saksi, ang pagtatalo ng suspect at ng biktima sa loob ng kotse ang naging sanhi ng krimen. Idinagdag pa ni Tablang na pinababa pa raw siya ng kanyang among si De Leon dahil may pag-uusapan lamang daw sila ng biktima.
Matapos ang ilang minuto, lumabas ang suspect na hawak ang baril at pinapili raw ang saksi kung sino raw ang tutulungan nito ang biktima o ang suspect. Matapos mailabas ni Tablang ang naghihingalong biktima sa kotse upang maipagamot, agad namang umalis ang suspect sa kotse nito. Namatay sa Las Piñas Doctors Hospital si Belma matapos dalhin ni Tablang.
Huwag naman sanang magkaroong muli ng anumang himala sa pagsisiyasat at pagdinig sa kaso ng biktimang si Belma Abella, na halos buong buhay na ginampanan ang kanyang tungkulin bilang isang nurse sa pamilya Madrigal, na isa sa mga matataas at kilalang pamilya sa ating lipunan.
Nabalitaan ko na ang BMW ay nasa CIDG sa Quezon City at wala sa Las Piñas Police Department na nag-iimbestiga sa kasong murder laban sa mayamang amo. Abangan!
Para sa katanungan o mga hinaing, iparating lamang ang mga ito sa [email protected] o tumawag sa opisina ng VACC sa tel. no. 525-9126 loc. 13, 20 at 21 telefax no. 525-6277.
Ang suspect ay ang amo nitong si Marybeth de Leon. Ayon sa driver-bodyguard nito na si Wences Tablang, ay hawak-hawak ng suspect ang baril na ginamit habang nasa loob ng BMW na nasa kanto ng Tropical at Elizalde St. sa Talon, Las Piñas.
Ayon sa saksi, ang pagtatalo ng suspect at ng biktima sa loob ng kotse ang naging sanhi ng krimen. Idinagdag pa ni Tablang na pinababa pa raw siya ng kanyang among si De Leon dahil may pag-uusapan lamang daw sila ng biktima.
Matapos ang ilang minuto, lumabas ang suspect na hawak ang baril at pinapili raw ang saksi kung sino raw ang tutulungan nito ang biktima o ang suspect. Matapos mailabas ni Tablang ang naghihingalong biktima sa kotse upang maipagamot, agad namang umalis ang suspect sa kotse nito. Namatay sa Las Piñas Doctors Hospital si Belma matapos dalhin ni Tablang.
Huwag naman sanang magkaroong muli ng anumang himala sa pagsisiyasat at pagdinig sa kaso ng biktimang si Belma Abella, na halos buong buhay na ginampanan ang kanyang tungkulin bilang isang nurse sa pamilya Madrigal, na isa sa mga matataas at kilalang pamilya sa ating lipunan.
Nabalitaan ko na ang BMW ay nasa CIDG sa Quezon City at wala sa Las Piñas Police Department na nag-iimbestiga sa kasong murder laban sa mayamang amo. Abangan!
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 23, 2024 - 12:00am