^

PSN Opinyon

Kulang pa ang kaalaman sa AIDS

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SA kabila ng mga isinasagawang health campaign tungkol sa mapaminsalang sakit na Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) ay napag-alaman na marami pa ring kabataang Pilipino ang hindi nakakaalam ng karamdamang ito na ang mortality rate ay patuloy na lumalaki sa rehiyong ito ng Asya. Ito ang ipinahayag sa isang survey ng United Nations Children’s Emergency Fund (UNICEF). Sampung libong kabataan sa 17 bansa sa Asya ang sumailalim sa UNICEF poll na ito. Animnapung porsiyento sa mga kabataang mula siyam hanggang 13 taong gulang at 25 porsiyento naman mula katorse hanggang disisiyete anyos ang nagpahayag na wala silang alam sa AIDS.

May mga edad disiotso na nagpahayag na alam na nila ang AIDS ay nakukuha sa pakikipagtalik sa isang lalaki o babae na may sakit na ganito. Sa 10 libong kabataan na kinapanayam ng mga taga-UNICEF, 41 porsiyento ang nagsasabi na alam na nila ang condom at ang gamit nito.

Ayon sa UNICEF poll, ang kaalaman tungkol sa AIDS ay hindi pa sapat sa Pilipinas gayundin sa Laos, Indonesia, East Timor, Mongolia, South Korea at China.

ACQUIRED IMMUNE DEFICIENCY SYNDROME

ANIMNAPUNG

ASYA

AYON

EAST TIMOR

EMERGENCY FUND

PILIPINAS

SOUTH KOREA

UNITED NATIONS CHILDREN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with