^

PSN Opinyon

May misteryo ba sa Office of the Press Secretary ?

HALA BIRA! - Danny Macabuhay -
SI President Gloria Macapagal-Arroyo ay sensitibo sa kanyang magiging imahe. Nagsimula pa ito noong siya ay tumakbo bilang senador at Vice President. Maliwanag na ang kanyang hangarin ay makilala siyang maka-masa kung kaya’t ang mga kampanya niya ay hinubog bilang isang pangkaraniwang tao na nakikiisa sa mga mahihirap. Mukha namang naging matagumpay ang paglulunsad kay GMA bilang maka-masa at idinugtong pa ang pagiging anak siya ng dating President Diosdado Macapagal na nakilalang ‘‘Poor Boy Lubao.’’ Nanguna si Ate Glo sa pagka-senador at noong 1998 ay nahalal bilang Vice President.

Si Dante Ang na personal publicist ni GMA ang nasa likod ng mga propaganda at pagpapaganda ng imahe ng Presidente nang tumakbo ito sa pagka-senador, pagka-Vice President. Siya ang nasa likod na nagpapatakbo ng lahat ng may kinalaman sa komunikasyon ni GMA.

Matagal ko nang kilala si Dante noon pa mang ako ay namumuno ng isang advertising at PR agency. Alam ko ang kapasidad at takbo ng kanyang pag-iisip. Subalit, may mga tao at ilang grupo na taliwas sa mga ideya ni Dante. Naging kontrobersiyal si Dante at lumalabas na nakikialam siya sa mga gawain ng iba katulad ni dating Press Sec. Noel Cabrera at ang pumalit ditong si Presidential Spokesperson Rigoberto Tiglao na nag-leave dahil sa intriga. Noong isang araw, opisyal na na-appoint ni GMA si Dante bilang Presidential Senior Consultant na ang suweldo ay P1 isang taon.

Ano man ang tunay na dahilan sa pag-alis nina Cabrera at Tiglao, sana ay maayos ito ni GMA kung mayroon mang problema sa makinarya ng kanyang komunikasyon sapagkat makaaapekto ito sa kanyang administrasyon. Naniniwala ako sa kakayahan ni Sec. Silvestre Afable, OIC sa Office of the Press Secretary. Maaaring siya ang kailangan upang maging mahusay at epektibo ang nararapat na pagpapahayag at impormasyon para sa ikabubuti ng sambayanan.

ATE GLO

NOEL CABRERA

OFFICE OF THE PRESS SECRETARY

POOR BOY LUBAO

PRESIDENT DIOSDADO MACAPAGAL

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

PRESIDENTIAL SENIOR CONSULTANT

PRESIDENTIAL SPOKESPERSON RIGOBERTO TIGLAO

PRESS SEC

VICE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with