Editoryal - Malalaswang babasahin at VCDs grabe na!
April 18, 2002 | 12:00am
KAKAIBA sa ating bansa. Marami ang nagra-rally at pinadudugo ang kalsada sa pagmamartsa para kondenahin ang maraming bagay na para sa kanilay hindi tama. Kapag nagbabanta ang pagtataas ng gasolina, nagmamartsa at nagra-rally sa Mendiola. Nang dumagsa ang mga sundalong Kano, marami ang nagdemonstrasyon. Binabato pa ang US Embassy at kung anu-anong pangwawasak ang ginagawa. Kapag may bubuuing bagong ahensiya ang pamahalaan, agad na magra-rally para tutulan at napakarami pang bagay na kanilang tinututulan.
Okey lamang na mag-rally at paduguin ang kalsada. Nasa demokratikong bansa tayo na maaaring ihayag ang para sa atin ay tama. Kaya lamang, maraming nakaliligtaan na dapat sanang ipag-rally at kondenahin. Maraming nangyayari sa paligid na dapat sanang unahing bigyang pansin.
Sa dami ng mga kinokondena ng mga rallyists at demonstrador, hindi nila nabibigyang-pansin ang talamak na pagkalat ng mga malalaswang babasahin at video cassette discs (VCDs) na nagkalat sa maraming bangketa sa Metro Manila. Pangkaraniwan na lamang ang mga ito ngayon at wala isa mang moralista o mga makabayang mamamayan na kinokondena ang paglala ng problema. Nakatutok lamang sa maputik na pulitika ang paningin ng mga makabayan.
Sa Rizal Avenue malapit sa Carriedo St. sa Maynila ay pangkaraniwan na lamang ang pagbebenta ng mga VCDs at sa dakong Recto ay nakaladlad ang mga malalaswang magasin. Nakabuyangyang na parang mga bibingka at pati mga bata ay nagkakaroon ng malisya sa mga hubut hubad na larawang nakikita.
Hayagan ang pagbebenta ng mga triple X na VCDs. Iniaalok sa mga dumadaan at pinababayaan na lamang ng mga pulis. Sabagay, ningas-kugon naman talaga ang mga awtoridad sa ganitong bagay. Kunwariy manghuhuli subalit kinabukasay balik sa dati. Kaya hindi masisisi ang taumbayan kung wala nang maniwala o magtiwala sa mga awtoridad.
Maraming ipinagra-rally ang mga makabayan at mga mapagmahal sa bayan, pero may nagmamahal kaya sa kinabukasan ng mga kabataang nalalason ng mga malalaswang babasahin. Masakit ang epekto ng panonood ng mga malalaswa. Ngayon ay marami nang batang lalaki ang nasasangkot sa panggagahasa. Totoo ito at hindi bungang-isip lamang. Sanay magising ang mga makabayan.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest