^

PSN Opinyon

Ilang kaalaman sa mga halamang gamot

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
SA sa pinaka-popular na alternative herbal medicine ay ang sambong scientific name: Blumen camphor. Ito ay mabisang panlunas sa lagnat, diarrhea, pananakit ng tiyan at sa kidney stones o iyong tinatawag na bato sa bato. Hugasang mabuti ang dahon ng sambong at tadtarin, ilagay sa palayok at pakuluang mabuti. Inumin tatlong beses isang araw at mararamdaman ang ginhawa at pagkawala ng anumang sakit. Hindi lang dito sa ating bansa kilalang gamot ang sambong. Sa China ay napatunayang mabisa itong gamot sa ubo at mabilis na pinalalabas ang plema. Sa Vietnam, ang katas ng sambong ay gamot sa mga babaing may menstrual problem. Sa India ang sambong ay gamot sa mga may galis.

Isa pang mahalagang halamang-gamot ay ang ampalaya. Ang pinatuyong dahon ng ampalaya ay nilalaga at pinaiinom sa mga may diabetes. Mayaman sa iron ang ampalaya at madali nitong pinabababa ang high cholesterol level. Mabisa rin ang ampalaya sa mga matataas ang uric acid. Ang ampalaya ay good food supplement at gamot din sa mga arthritis.

Maraming karamdaman din ang mapapagaling ng bayabas gaya ng sakit sa tiyan at pagtatae. Ang mapaklang katas ng dahon ng bayabas na pinakuluan ay magaling na panggamot sa sugat at panlanggas sa mga bagong tuli.

vuukle comment

BLUMEN

GAMOT

HUGASANG

INUMIN

ISA

MABISA

SA CHINA

SA INDIA

SA VIETNAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with