^

PSN Opinyon

Pulido: Mr. Blackmailer sa Bureau of Customs

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
SUMUGOD at sisinghap-singhap na parang aatakihin sa puso si Pulido, ang tsuwawang damatang asset ng mga kamote sa Bureau of Customs nang magpunta ito sa aming tanggapan noong isang linggo at kinausap ang Editor-in-Chief ng PSN na si Al Pedroche. Bakit daw siya inupakan sa kolum ng Chief Kuwago.

Sayang di ka pa bumigay. Sumalangit nawa ang iyong kaluluwa. Amen!

Itong si Pulido, ang tsutsung blackmailer, ay nasanay na sa kanyang kagaguhan lalo’t pitsa ang pinag-uusapan porke pati pamilya nito ay ipagpapalit sa kaunting barya makarinig lamang ng may kumakalembang na atik sa kanyang bulsa.

Napakaraming beses nang nagmala-Hudas itong si Mr. Blackmailer. Naalala ko pa nang ihulog nito ang ilang big-time kunong tax evader sa BIR. May mga dokumento pa itong ipinakikita na parang totoong-totoo porke nginunguso nito isa-isa ang mga taong pinagkautangan niya ng loob para lamang makatabla kapag hindi siya napagbigyan sa kapritsong manghingi ng pera! BIR Commissioner Bañez, Sir. Nagamit din yata ni Pulido ang opisina mo?

Ayaw sana ng mga kuwago ng ORA MISMO na pag-aksayahan ng oras si Mr. Blackmailer kaya lamang pati bossing kong si Al ay kinukulit nito.

Ngayon Mr. Blackmailer, hindi ka na puwedeng tumuntong pa ng aming tanggapan porke ikaw din ay inginuso ko sa mga guwardiya dito na huwag kang papasukin. Baka masira ang ulo mo at sa stairways ng PSN ka magbigti.

Dating drayber si Pulido. Pasama-sama sa kanyang mga naging amo. Ang akala ng amo ay maayos itong tao, iyon pala ay masahol pa kay Satanas.

Nakarating sa mga kuwago ng ORA MISMO ang mga raket mo Pulido kaya magbago ka! Pasalamat ka, nakakalakad ka pa ng diretso sa mga ginagawa mong katarantaduhan, buti’t matanda ka na kaya pinasasa-Diyos ka na lamang ng mga taong pinerwisyo mo. Biro mo pati taong tumutulong sa iyong kahirapan ay inaaway mo.

"Matindi ang galit ng chief kuwago kay Pulido. Bakit kaya?" tanong ng kuwagong maninisip ng tahong.

"Baka nasagasaan ang palaisdaan ni Chief Kuwago," sagot ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

"Kamote pala kayo! Kaya nabubuwisit ang Chief Kuwago pati ang bossing niyang si Al ay kinakalampag ni Pulido," sabi ng kuwagong Kotong Cop.

"Ssshhh, ’wag kang maingay, alam mo bang ang laki ng nagawang tulong ni Al kay Mr. Blackmailer!" kuwento ng kuwagong CO2-10 sa Aguinaldo.

"Alam ko na kamote ang dahilan?"

"Huwag mo nang ikuwento."

"Bakit?"

"Mapapahiya si Pulido."

vuukle comment

AL PEDROCHE

BAKIT

BUREAU OF CUSTOMS

CHIEF KUWAGO

COMMISSIONER BA

KOTONG COP

MR. BLACKMAILER

PULIDO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with