^

PSN Opinyon

Gamot na peke

SAPOL - Jarius Bondoc -
TATLO sa bawat sampung gamot sa botika ay peke. Ibig sabihin, naka-pakete sa mga kilalang brandname, pero gawgaw lang pala o tubig na kinulayan. O kaya, ni hindi rehistrado sa Bureau of Food and Drugs, ang ahensiyang nagko-control ng linis at husay ng pagkain at gamot.

Ito ay inamin mismo ng opisyal ng BFD sa pulong ng NBI tungkol sa pagnanakaw ng intellectual properties. Idinaos ang pulong upang mapabisa ang enforcement ng batas hinggil sa brandnames na pag-aari ng malalaking kompanya.

Hindi nababahala ang publiko kung malugi man ang drug firms sa pagpepeke ng produkto nila. Ang importante sa madla, mura at mabisa ang gamot na nabibili. Health is wealth. Kalusugan ang susi sa buhay na matiwasay. Kung sakitin ka nga naman, papano ka magta-trabaho.

Nauuso sa Asya ang pagpepeke ng gamot at inumin. Sa Pakistan kamakailan, nakahuli ang special police ng mag-asawang nagtitimpla ng pekeng Coca Cola. Tubig na kinukulayan lang sa bath tub. Sa Cambodia, nakadali rin ang awtoridad ng nagpepeke ng kilalang shampoo plus conditioner. Kilalang milyonaryo ang may-ari ng pabrika na nag-e-export ng fake sa Thailand. Sa China at Hong Kong, pinasukan na ng Triads, mga sindikatong kriminal, ang pagpepeke ng gamot. Mas mura na ang puhunan kaysa magluto ng shabu, bilyong-dolyar din ang tubo, at mas mababa ang parusa.

Sinasamantala ng mga mamemeke sa Asya ang hilig ng madla sa produktong pampasigla. Ang Coke ay tinuturing na tonic sa Pakistan. Sa Thailand, uso ang bathroom products na pampakinis ng buhok o kutis. Sa China at Hong Kong, napapabunot ng pitaka ang mga tao, masabihan lang na kesyo may ganito o ganyang sakit.

Tulad ng sa ibang bansa, hindi gaanong pinapatulan ng pulis ang mga mamemeke. Abala sila sa iba pang krimen, tulad ng kidnapping at terorismo. Minsan, sinusuhulan ang matataas na opisyal para huwag habulin ang mamemeke. Kaya umuupa ng special private investigators ang mga kompanya para tugisin ang nakakaluging mamemeke.

vuukle comment

ABALA

ANG COKE

ASYA

COCA COLA

HONG KONG

IBIG

SA CAMBODIA

SA CHINA

SA PAKISTAN

SA THAILAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with