^

PSN Opinyon

Iligtas ang bakawan

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Ang bakawan o mangrove ay itinuturing na protektadong kahoy sa karagatan. Sa mga bakawan nananahan ang mga alimango, alimasag, hipon, sugpo, kasag at iba’t ibang shell fish. Ang bakawan ay nagsisilbi ring pananggalang sa malakas na alon at maraming gamit ang mga mangingisda sa punongkahoy na ito.

Kamakailan ay naglunsad ang isang organisasyong sosyo-sibiko ng isang Alay-Lakad para sa kampanya na protektahan at pangalagaan ang mga bakawan sa Manila Bay area. Ang hakbang na ito ay tawag-pansin at wake-up call sa mga kinauukulan para huwag pabayaang maglaho ang mga bakawan na isa sa ipinagmamalaking punongkahoy sa Pilipinas. Napag-alaman ng BANTAY KAPWA na maraming tiwaling negosyante ang walang pakundangang pinuputol ang bakawan para magkapera.

May nagta-tanbarking o ang pagbabalat sa bakawan na ginagawang shoe polish, pampakintab sa mga aluminum at silver plates, pangkulay sa tuba na nakalalasing, panggatong sa pagluluto, tabla para sa bahay at building materials at iba pa. Ang mga napupulbos ng balat ng bakawan na inilalagay sa mga sako ay dinadala sa Zamboanga at ito’y ibinebenta ng mga Muslim merchants.

Napag-alaman na malaking ektarya ng century-old mangrove forest sa Balabac, Palawan ay nakalbo na dahil tinayuan na ng mga fishpond. Dapat kumilos ang mga kasalukuyang ahensiya ng gobyerno para mapangalagaan ang unti-unting pagkawala ng mga bakawan hindi lang sa Palawan kundi maging sa iba pang bahagi ng Pilipinas.
* * *
Belated Happy Birthday sa mahal kong si Marisoc Nueno, sikat na fashion designer ng Maria Manila. Ginanap ang kasayahan sa Aloha Hotel. Mga piling panauhin ang dumalo sa party.

ALOHA HOTEL

BAKAWAN

BELATED HAPPY BIRTHDAY

MANILA BAY

MARIA MANILA

MARISOC NUENO

NAPAG

PALAWAN

PILIPINAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with