^

PSN Opinyon

Hustisya sa mag-amang Alejo

ORA MISMO - Butch M. Quejada -
Ilang araw bago patayin ang mag-amang Julio at Julius, may P5 million cash money ang hinihingi umano ng mga taong kumidnap sa mga biktima. Tinawagan ang asawang si Nida para mag-produce ng nasabing halaga. Duda si Nida sa istilo ng pangyayari porke hindi niya makausap ang kanyang asawa’t anak para masiguro niya kung buhay pa ang mga ito.

Tiyak ni Nida na patay na ang asawa’t anak habang hinihingian ng pitsa ng mga taong nagpakilalang grupo ng kidnap-for-ransom gang sa Nueva Ecija.

Dama ni Nida na hindi KFR ang tumira sa kanyang asawa’t anak kundi grupo ng bayarang mamamatay tao na kaaway ng kanyang asawa.

Gusto lamang ni Nida na makita ang bangkay ng asawa’t anak para mabigyan niya ng maayos na libingan.

May hinalang miyembro ng Red Vigilante Group (RVG) ang mga taong pumatay sa kanyang asawa’t anak. May suspek umanong kumanta sa kanya na ang grupong ito raw ang naglibing sa mga biktima.

Naniniwala si Nida na hindi NPA ang bumanat kina Julio at Julius. Kung saan-saan grupo ng mga mamamatay tao siya nagtanung-tanong para alamin ang buong pangyayari.

Mahusay na pamilya sina Alejo wala itong sinaling na mga tao para magalit sa kanilang pamilya. Inggit umano ang dahilan kung bakit binira ang kanyang asawa at nadamay pati anak nito.

‘‘May malalim na operasyon ang RVG. Kapos ulit tayo sa espasyo. Tatalakayin natin muli ang isyung ito,’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Nauunawaan na namin paunti-unti kung bakit binira ang mga biktima,’’ naiiling na sabi ng kuwagong Kotong Cop.

‘‘Malalim ang isyung ito. Malamang may mga pulitiko, pulis at militar na masasabit kapag nagkataon?’’ sabi ng kuwagong pulis na naglalanggas ng kanyang sariling galis.

‘‘Huwag bibitiw sa pagbabasa at baka malampasan kayo ng isyung ito e sayang!’’

‘‘Korek ka diyan, kamote’’

‘‘Abangan."

vuukle comment

ABANGAN

ALEJO

ANAK

ASAWA

CRAME

KOTONG COP

NIDA

NUEVA ECIJA

RED VIGILANTE GROUP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with