^

PSN Opinyon

Computer schools, 'diploma mills'?

- Al G. Pedroche -
Ano’ng tawag sa paaralan na ang itinuturo sa estudyante ay irrelevant at hindi mapagkakakitaan? Ano pa edi diploma mill. Walang silbi ang magandang diplomang naka-kuwadro’t naka-display sa iyong sala kung hindi ka naman mapapakain nito.

Ituloy natin ang paksa tungkol sa masamang kalidad ng edukasyon sa Information Technology (IT) schools sa bansa na natalakay ko sa kolum na ito kamakailan.

Sa harap ng isang higanteng computer software manufacturer sa Makati (ang Microsoft Philippines) kamakailan, nagsipag-rally ang mga fresh IT graduates. Para silang pulubing nagmamakaawa na sana’y bigyan sila ng trabahong naaayon sa kanilang tinapos.

Bakit hirap ang mga kabataang ito na makahanap ng trabaho? Anila, tinatanggihan sila ng mga computer companies dahil kapos ang kanilang kaalaman.

Apparently and to the dismay of the new graduates,
maraming mga mahahalagang aspeto ng IT ang hindi naituro sa kanila sa mga IT schools na pinagtapusan nila. In other words, the quality of education is below par if not entirely bad.

Sa palagay ko, makatutulong ang Microsoft Philippines. Sa pakikipagkoordinasyon nito sa pamahalaan at sa mga IT schools, magagawang maitaas ang kalidad ng computer education sa bansa.

May anak ako sa Detroit, Michigan, USA na naglilingkod bilang computer analyst sa Ford Motors and he earns a fantastic income of $10,000 a month. Halos santaon kong kinakayod ang kanyang buwanang suweldo. Pero wala siyang pormal na edukasyon sa computer.

Natatandaan ko pa nang bumili ako ng computer dahil ibig kong matuto sa pagle-layout. Kumuha ako ng private tutor. Palibhasa’y marami nang ibang concerns na naka-imbak sa aking utak, hirap akong matuto. Ang anak ko na nakatanghod sa aking likuran ang mabilis na natuto at yaon ang simula ng kaniyang career sa IT hanggang sa makapag-abroad siya kasama ang pamilya.

Nagtataka ako. Ganyan ba ka-inferior ang kalidad ng pagtuturo sa ating mga IT schools na ang mga estudyante’y dinaig pa ng anak kong si Alvin na halos self-study lang?

Sa pangunguna ng Union for Fresh Leadership (U-Lead), umaapela ang mga bagong graduates na ito sa gobyerno na itaas ang kalidad ng edukasyon sa mga computer schools upang magkaroon sila ng lakas na makipag-compete sa larangan ng Information Technology.

Usually,
ang mga enrolees sa IT schools ay mula sa mga mahirap na pamilya na nangangarap umasenso thinking that this career could bring realization of their dreams. Totoong maganda ang kinabukasan ng isang computer literate. Pero bakit hindi ito matugunan ng ibang pamantasan sa ating bansa? Babayaan ba na masayang ang salapi at pagod na ginugol ng kanilang mga magulang sa kanilang edukasyon na wala naman palang silbi?

Sumulat na rin ang mga kabataang ito kay Microsoft Philippines General Manager Richard Francis upang iparating ang kanilang hinagpis. Hinihiling nila sa naturang korporasyon na tumulong sa pagpapataas ng kalidad ng IT education sa bansa.

Napapanahong kumilos na ang mga kinauukulang sektor upang resolbahin ang seryosong problemang ito.

ALVIN

ANO

COMPUTER

FORD MOTORS

FRESH LEADERSHIP

INFORMATION TECHNOLOGY

MICROSOFT PHILIPPINES

MICROSOFT PHILIPPINES GENERAL MANAGER RICHARD FRANCIS

PERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with