^

PSN Opinyon

Isang maton sa Navotas ipina-salvage ng police general

BALITANG SPECIAL - Deo Macalma -
ALAM n’yo bang ipina-salvage ng isang police general ang isang maton sa Navotas, Metro Manila?

Ayon sa aking bubuwit, happy birthday muna kay Mr. Rey David ng Great Wall Advertising; Rhodora Lachica, Aileen Mina, Bros. Mario Macatangay, Rolly del Rosario, Wilmar Agaloos, Romy Velasco, Jun Depakakibo, James Olayvar at Col. Victorino Licos.
* * *
Alam n’yo bang ipina-salvage ng isang police general ang isang maton sa Navotas?

Ayon sa aking bubuwit, dahil sa dami ng kaso ng maton iniutos ng general na ‘‘ibiyahe’’ na lamang ito. Ibig sabihin, isalvage na lamang upang mabawasan na ang mga salot sa lipunan.

Ang maton ay pumatay kasi ng isang tricycle driver, may kaso ng illegal possession of firearms at marami pa ang pineperwisyo sa kanilang barangay. Maraming reklamo ang mga residente at maging mga barangay officials sa maton.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang naatasang magbigay ng ‘‘hatol’’ sa nasabing maton ay isang police inspector. Kumuha ito ng dalawang tauhan at isinalvage ang maton.

Nang mapatay ang maton, marami ang natuwa sa Navotas subalit nagalit ang mga kamag-anak ng sinalvage. Nakilala ang mga pulis na dumukot at ang mga ito ay kinasuhan ng murder. Bukod sa criminal charges meron pa silang separate na administrative case.

Bago isinampa ang administrative case, nakikipag-areglo ang mga pulis sa pamilya ng maton. Nagkasundo na babayaran ang pamilya ng maton subalit nakialam ang isang police superintendent. ’Yung halagang napagkasunduan na ibabayad sa pamilya ng maton ay pinadagdagan pa ng superintendent upang magkaroon din siya ng kita. Ang hinihiling ng superintendent ay P150,000.

Grabe naman itong police officer na ito, pati kapwa pulis ay kinokotongan. Ang police officer na gusto pang pagkakitaan ang kapwa pulis ay si Col. P. ng NPD.
* * *
Ayon sa aking bubuwit, ang police general naman na nag-utos sa mga tauhan niyang isalvage ang maton ay walang iba kundi si…

Ito ay namatay dahil sa malubhang sakit.

Kawawa naman ang tatlong pulis na napag-utusan lang. Sila ay sina Insp. Ariza, SPO1 Cruz at SPO1 Falcotilla.

Ang police general na nag-utos para isalvage ang maton ay ang yumaong si Gen. P. as in Pasalvage.

AILEEN MINA

AYON

GREAT WALL ADVERTISING

ISANG

JAMES OLAYVAR

MATON

NAVOTAS

POLICE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with