Editoryal - Walang katapusang kalbaryo
April 10, 2002 | 12:00am
HABANG ipinagmamalaki ng gobyerno na umuunlad na ang ekonomiya, lumalakas ang peso at mayroon nang nahuhukay na langis sa Malampaya at Tarlac, tumataas naman ang presyo ng mga pangunahing bilihin na labis na nagpapahirap sa mga kawawang Pilipino. Walang maramdamang kagaanan sa buhay. Nagkaroon ng panibagong pagtataas sa presyo ng gasolina at ang epekto ay ang pagtaas na naman ng mga bilihin. Dalawang beses nang nagkaroon ng fuel prices sa taong ito. Ang una ay noong nakaraang buwan lamang at sinundan noong April 7. Tumaas ng 50 sentimos ang presyo. Isa sa mga dahilan ng tatlong dambuhalang oil companies kung bat nagkaroon ng increase ay dahil sa pagtaas sa pandaigdigang pamilihan ng krudo. Pinalubha rin umano nang nagaganap na labanan ng Israel at Palestine.
Pinangangambahan na ang pagtataas ay may kasunod pa. Umanoy bago matapos ang buwang ito, magtataas pa ang tatlong dambuhalang oil companies. At kinatatakutan ang banta ng mga samahan ng jeepney at bus na magtataas sila ng pamasahe kapag hindi napigil ang fuel increase.
Bukod sa pagtataas ng pamasahe, ang pagtaas ng singil sa kuryente ang nakaamba pa sa mga kawawang mahihirap. Balak ng Manila Electric Co (Meralco) na magtaas ng 116 porsiyento. Hindi pa natatagalan nang magtaas ng singil ang Maynilad Water sa mga consumers. At sa takbo ng pangyayari walang magawa ang pamahalaan sa balak na pagtataas ng Meralco. Taliwas sa sinabi noong nakaraang taon ni President Gloria Macapagal-Arroyo na walang magaganap na pagtaas sa singil sa kuryente. Ginawa niya ang pangako makaraang pirmahan ang Power Reform Bill.
Ano pa ang susunod na tataas? Patuloy sa paghihigpit ng sinturon ang mahihirap. Bakit hindi makagawa ng paraan ang gobyerno kung paano mapipigilan ang tatlong oil companies sa pagtataas ng presyo. Hindi makatwiran ang pagtataas sa panahong ito na hindi naman nagkakaroon ng dagdag sa sahod. Nagkaroon nga ng pagdaragdag sa minimum wage noong nakaraang taon subalit hindi pa rin ibinibigay ng mga abusado at mandarayang employers. Wala ring ngipin ang gobyerno na maparusahan ang mga employers.
Marami ang nalulubog sa hirap at nawawalan ng pag-asa na uunlad pa ang buhay dahil sa sunud-sunod na pagtaas ng mga pangunahing bilihin na pinalalala ng pagtaas ng gasolina. Makita sana ng pamahalaan ang kalagayan ng kawawang mamamayan. Madama na sana ang ipinangakong kaginhawahan at pantay-pantay na pagtingin.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest