^

PSN Opinyon

Mga amo sa HK dapat matuwa

SAPOL - Jarius Bondoc -
CONSISTENT lang ang Filipino domestic helpers sa pagtutol sa dagdag na minimum wage sa Hong Kong. At dapat matuwa ang mga amo nila.

Matinding nilabanan ng mga DH nu’ng Enero ang plano ng Hong Kong government na kaltasan ang suweldo nila. Hirap na nga sila sa trabaho, tapos babawasan pa dahil nabibigatan na raw ang mga amo na matumal ang mga negosyo. E di lalo lang tutumal ang mga negosyo kung babaan ang sahod ng daan-daang libong DH. Ginagasta nila ang bahagi ng suweldo para sa mga gamit pansarili o pasalubong sa mga kamag-anak sa Pilipinas. Mga DH man sila, nakakatulong silang buhayin ang ekonomiya ng Hong Kong sa pamamagitan ng domestic spending. Bukod du’n, nakakapagtrabaho ang mga babaing taga-Hong Kong dahil may naiiwang DH sa bahay para maglinis, magluto, maglaba at mag-alaga ng mga bata. Kaya iginiit nila ang status quo sa suweldo.

Ngayon naman, baligtad ang Hong Kong officials. Gusto taasan ang minimum wage ng mga DH mula HK$3,670 hanggang HK$5,000. E di lalong aangal ang mga amo habang hindi pa sumisipa ang ekonomiya ng isla.

Mabuti na lang, matalino ang mga Filipino DH. Sila ang unang nagsabing status quo pa rin. Kasi nga naman, kung taasan ang minimum wage, magiging luxury ang pag-empleyo ng DH. Hindi na makakaya ng karaniwang middle-class Hong Kong family na magkaroon ng katulong sa bahay. Sisibakin na lang nila ang mga DH. Tapos, mapipilitan mag-resign sa trabaho ang mga babae para asikasuhin ang pamamahay. Lalong bababa ang produksiyon; lalong hihina ang ekonomiya.

Para sa Hong Kong officials, dagdag-sahod ang magbibigay ng trabaho sa 228,000 jobless sa isla. Pag nag-resign ang mga misis na wala nang DH, ‘yung mga unemployed ang papalit. Makitid na pananaw ‘yon. Kulang sa pagsusuri. Kailangang makinig sila sa mga DH.
* * *
Abangan ang Linawin Natin, tuwing Lunes, 11:30 p.m. sa IBC-13.

ABANGAN

BUKOD

ENERO

GINAGASTA

HIRAP

HONG

HONG KONG

KONG

LINAWIN NATIN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with