Ang ating pagpapala:Nananalig kahit hindi nakikita
April 7, 2002 | 12:00am
Si Tomas ay wala nang magpakita si Jesus sa kanyang mga alagad noong unang Pasko ng Pagkabuhay na muli. Ang kanyang pagiging absent noon at ang kinalabasang paniniwala niya nang muling magpakita si Jesus pagkatapos ng isang linggo ang pinanggalingan ng tuwa at pagpapala nating mga hindi nakakita sa nabuhay na muling si Jesus, datapwat gayunpaman, ay nananalig.
Narito ang salaysay ni Juan. Bigyan natin nang espesyal na atensiyon si Tomas (Jn. 20:19-31).
Kinagabihan ng araw ding iyon, ang mga alagad ay nagkakatipon. Nakatipid ang mga pinto ng bahay na kanilang pinagtitipunan dahil sa takot nila sa mga Judio. Dumating si Jesus at tumayo sa gitna nila. Sumainyo ang kapayapaan! sabi niya. Pagkasabi nito, ipinakita niya ang kanyang mga kamay at ang kanyang tagiliran. Tuwang-tuwa ang mga alagad nang makita ang Panginoon. Sinabi na naman ni Jesus, Sumainyo ang kapayapaan! Kung paanong sinugo ako ng Ama, gayon din naman, sinusugo ko kayo, Pagkatapos, silay hiningahan niya at sinabi, Tanggapin ninyo ang Espiritu Santo. Ang patawarin ninyo sa kanilang mga kasalanan ay pinatawad na nga; ang hindi ninyo patawarin ay hindi nga pinatawad.
Ngunit si Tomas na tinaguriang Kambal, isa sa Labindalawa, ay wala roon nang dumating si Jesus. Kayat sinabi sa kanya ng ibang alagad, Nakita namin ang Panginoon! Sumagot si Tomas, Hindi ako maniniwala hanggat di ko nakikita ang butas ng mga pako sa kanyang mga kamay at naisusuot dito ang aking mga daliri, at hanggat di ko naipapasok ang aking kamay sa kanyang tagiliran.
"Makalipas ang walong araw, muling nagkatipon sa loob ng bahay ang mga alagad; kasama nila si Tomas. Nakapinid ang mga pinto, ngunit pumasok si Jesus at tumayo sa gitna nila. Sinabi niya, Sumainyo ang kapayapaan! Saka sinabi kay Tomas, Tingnan mo ang aking mga kamay at ilapit dito ang iyong daliri. Ipasok mo ang iyong kamay sa aking tagiliran. Huwag ka nang mag-alinlangan, maniwala ka na. Sumagot si Tomas, Panginoon ko at Diyos ko! Sinabi sa kanya ni Jesus, Naniniwala ka na ba sapagkat nakita mo ako? Mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila ako nakita.
Tinanggap ni Jesus ang hamon ni Tomas. Nagpakita siya at hiniling kay Tomas na ilagay ang mga daliri nito sa kanyang mga kamay. Inanyayahan niya si Tomas na ilagay ang kanyang kamay sa tagiliran niya. Ang reaksiyon ni Tomas: Isang pagpapahayag ng pananalig: Panginoon ko at Diyos ko. Si Tomas ay pinagpala pagkatapos niyang makita si Jesus. Subalit si Jesus, patungkol sa inyo at sa akin ay nagsabi: Mapapalad yaong mga hindi nakakakita ngunit nananalig.
Ang mga araw at linggong ito pagkatapos ng Pagkabuhay na muli ay mga araw para sa ating paglago sa pananampalataya. Basahin o pakinggan ang iba pang salaysay tungkol sa pagpapakita ni Jesus. Bagamat hindi ninyo siya nakita, ipahayag ninyo ang inyong pananalig sa muling-nabuhay na si Jesus.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended