^

PSN Opinyon

Rosilin Federico: Hustisya sa wakas

KRUSADA - Dante L.A.Jimenez -
Pagkaraan ng siyam na taong paghihintay, nagkaroon din ng hustisya si Rosilin Federico, isang 22-anyos na nursing student na ginahasa at pinatay ng pitong kalalakihang pawang mga bangag sa droga noong gabi ng Hulyo 5, 1993.

Dinukot ng mga akusado si Rosilin at dinala sa isang apartment sa Tanguile St., Marikina at halinhinang ginahasa at pinatay.

Sa desisyon ni Judge Nelly Acebo ng Branch 163 ng Pasig RTC, nahatulan ng habambuhay ng pagkakabilanggo ang mga akusadong sina Allan Florentino, Ramon dela Paz, Adorable Dela Paz, Joel Borlon, Melvin Magbanua, Edwin Habla at Saldy Dela Paz.

Sa pamilyang Federico salamat sa inyong masusi at matiyagang pagsubaybay sa kaso. Para sa inyong tagumpay nawa’y pagmulan kayo ng inspirasyon ng iba pang mga biktima ng karahasan at katiwalian sa ating lipunan.
* * *
Nakikiramay ang VACC sa Bentain family sa pagpanaw ni Gng. Angelita V. Arriola, 81, lola nina Edgar (ex-PAGCOR employee na nawawala hanggang ngayon) at Edzel. Nawa’y pagpalain siya ng Diyos.
* * *
Para sa mga katanungan o mga hinaing, iparating lamang ang mga ito sa [email protected] o tumawag sa opisina ng VACC sa tel. no. 525-9126 loc. 13, 20 at 21 telefax no. 525-6277.

vuukle comment

ADORABLE DELA PAZ

ALLAN FLORENTINO

ANGELITA V

EDWIN HABLA

JOEL BORLON

JUDGE NELLY ACEBO

MELVIN MAGBANUA

ROSILIN FEDERICO

SALDY DELA PAZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with