^

PSN Opinyon

Editoryal - Cha-cha na naman ang kinalolokohan

-
Maraming naghihirap, pinuproblema ang kakainin sa kinabukasan, di-makayanang pagtaas ng mga pangunahing bilihin, kuryente, tubig, lumalalang kriminalidad at kung anu-ano pang pahirap sa balikat ng taumbayan. Pero ang mga problemang ito’y hindi nakikita ng mga mambabatas sa kasalukuyan. Hindi sa mga kalutasan ng mga ito nakatutok ang kanilang mga mata kundi kung paano aamyendahan ang Konstitusyon. Wala na sa isipan ang kapakanan ng mga naghalal sa kanila kundi ang pansariling kapakanan kung maamiyendahan ang 1987 Constitution.

Matagal nang ipinipilit ang Charter change (Cha-cha). Noon pang panahon ni dating President Fidel Ramos ay marami na ang pumagitna para isayaw ito. Kanya-kanyang indak sa saliw ng pambobolang tugtog na makabubuti kung aamyendahan ang Konstitusyon. Marami ang umangal at bumatikos. Unang step sa pag-indak ay binulabog ng pagtanggi sapagkat natunugan na gusto lamang ng mga mambabatas na palawigin ang panunungkulan. Susundan ang tapak ng pagmamalabis sa puwesto, na walang ipinagkaiba sa ginawa ng diktaduryang Marcos.

Sinabi ng mga pumapabor sa Cha-cha na napapanahon na para baguhin ang Konstitusyon para makasunod sa takbo ng panahon. May punto sila riyan subalit hindi dapat unahin ang paglalawig sa termino bagkus ang dapat amiyendahan ay ang malalabong probisyon sa Konstitusyon. Iyan ay dapat linawin. Liwanagin ang power ng hudikatura na makapanghimasok sa usaping may kinalaman sa ekonomiya ng bansa. Susugan ang probisyon na nakaaapekto sa dayuhang pamumuhunan at nang makipagtagisan ang bansa sa pandaigdigang kalakalan. Bigyang liwanag ang probisyon ukol sa pagbawi sa mga ill-gotten wealth (lalo at nawawalan ng liwanag ang tungkol sa Marcos wealth).

Maging si President Gloria Macapagal-Arroyo ay kontra sa Cha-cha. At maganda ang kanyang katwiran sa pagsalungat dito. Nararapat aniya munang unahin ng mga mambabatas ang mga priority bills bago ang Cha-cha. Labing-anim na batas ang nakabimbin sa kasalukuyan at hindi pa naiipasa. Ang mga batas ay mahalaga sapagkat nakasalalay dito ang pag-unlad ng ekonomiya at ang pag-angat ng kalagayan ng mga mahihirap.

Paano mabibigyan ng panahon ang 16 na priority bills kung nakatutok sa Cha-cha ang mga magagaling na mambabatas? Mahirap ‘yan. Maiiwan tiyak sa kangkungan. Unahin sana ng mga mambabatas ang kapakanan ng mga naghalal sa kanila at hindi ang sarili sa pagsasayaw ng Cha-cha.

BIGYANG

CHA

IYAN

KANYA

KONSTITUSYON

LABING

LIWANAGIN

PRESIDENT FIDEL RAMOS

PRESIDENT GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with