Pulido: Mr. Blackmailer sa Bureau of Customs

MAHUSAY ang gimik na naisip ni Pulido sa Bureau of Customs para manghuthot ng salapi hindi lamang sa mga taga-Customs kundi maging sa mga importer/brokers na may operasyon sa Aduana. Ang opisina ni Customs Commissioner Antonio Bernardo ang isa sa mga ginagamit nitong panakot para makapang-blackmail!

Dating tsutsu ang trabaho ni Pulido sa Customs. Nanghuhulog ng mga importer/broker at maging customs examiner, appraiser, etcetera basta magkapitsa lamang siya.

Ok sana kung totoong mga smugglers o mga epektos ang mga naingunguso nito, ang masama pera ang unang nasa utak. Kapag hindi ka nakipag-CASHunduan dito tiyak laglag ka sa balong malalim.

Maraming pitsa ang dumaan sa palad ni Pulido. Daig pa nito si Satanas kapag pera ang pinag-usapan. Kahit pamilya nito ay ihuhulog basta may pera siyang mahahawakan.

Ilang tao ang hinulog mo Pulido, mga taong tumulong sa iyo noong wala kang makain. Magsalita ka ng totoo para pumunta ang kaluluwa mo sa langit at makausap mo hindi lamang si Satanas kundi makita mo ang Diyos na matagal mo ng sinuka sa katawan mo. Kamote ka!

Ang istilo ni Pulido sa pangba-blackmail ay ganito: Hihingi muna ito ng pera sa taong gusto niyang biktimahin at oras na hindi pumayag sa kanyang gusto gagawa ito ng poison letter address to the Commissioner of Customs at ilalahad ang pambobolang nalalaman niya para sirain ang taong gusto nitong biktimahin. Ganyan kasama si Pulido. Abu Sabaya, dukutin mo na?

Ang pinagtataka ko kung bakit nabubuhay ang mga ganitong klaseng tao na walang ginawa kundi ihulog ang mga taong pinagkautangan niya ng loob kapalit ng kaunting pera. Mala-Hudas ang dating.

‘‘Matindi pala ang operasyon ni Pulido sa BOC,’’ sabi ng kuwagong mangangaret.

‘‘Parang si Hudas pala ito?’’

‘‘Dapat mag-ingat si Bernardo sa mga sulat na pinadadala ni Mr. Blackmailer?’’ sabi ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

Show comments