Ang aking ama ay isang tanyag na albularyo. Ang ginagamot niya ay hindi lang dito sa baryo namin kundi pati na sa bayan. Ngunit dahil sa siya ay isang karpintero madalas na siya ay wala rito sa baryo dahil palipat-lipat sa kung saan-saang lugar ang kanilang trabaho. Hangggang sa akoy mag-asawa. At ako na lamang ang naiwan dito sa nayon. Hinahanap siya ng mga pasyente. Minabuti kong mag-aral para maging albularyo at gawin ang ginagawa ng aking ama upang matulungan ang mga pasyente. Kasama na ang pagsuri at paggamot. Unti-unti kong napag-aralan hanggang umabot sa puntong nakakagamot ako hindi na kailangan ang aking ama".
Manghang-mangha ako. Ang akala ko may mga himala para maging albularyo. Wala pala. Ang pagiging albularyo pala ni Ka Berong ay dala ng pangangailangan.
Nang tumagal ay marami nang nagpapagamot kay Ka Berong. Ang mga pasyente ng kanyang ama ay lumipat sa kanya.
Hindi ka ba nahirapan na ang trabaho ng ama mo ay ginawa mo? tanong ko.
"Hindi naman. Naniniwala sila sa akin at dahil siguro magaling na albularyo ang aking ama kaya agad silang nagtiwala. Pagkalipas ng ilang panahon ay kumalat sa karatig baryo ang aking serbisyo. Mula noon, araw-araw ay may nagpapagamot sa akin. Labinlimang taon nang ganito ang buhay ko.