Mailap ang kapayapaan sa Middle East

NOONG nakaraang Semana Santa ay naging mainit ang sitwasyon sa Israel dahil sa pagsabog ng isang bomba na pumatay sa 14 katao. Sinabi ng Israel na ang mga Palestinians ang may kagagawan ng pambobomba kaya sinalakay nila ang kampo ni Palestinian President Yasser Arafat sa West Bank.

Matagal nang panahon at malalim na ang mga sugat na dulot ng kaguluhan ng Israel at Palestine. Napakaraming buhay na ang nasayang dahil sa walang tigil na labanan.

Napakailap ng kapayapaan sa Middle East. Nakalulungkot na sa sagrado at banal na lugar ay namamayani ang karahasan. Kung hindi mapipigil ang sagupaan sa Israel ay marami pang buhay ang masasayang.

Hindi lamang sa Middle East mailap ang kapayapaan. Dito na lamang sa ating bansa ay walang tigil ang pananakot at pagbabanta ng ilang grupo upang puwersahin ang pamahalaang pagbigyan ang kanilang mga kahilingan. Subalit hindi maaaring magtagumpay ang simulaing pinapalaganap sa pamamagitan ng mga gawaing terorismo at karahasan. Walang lugar sa isang silibisadong mundo ang terorismo at karahasan!

Show comments