Editoryal - Safe tourist destination ang Pilipinas ?
April 5, 2002 | 12:00am
HINDI namin alam kung nagbibiro si Tourism Sec. Richard Gordon nang sabihin niya noong nakaraang linggo na ang Pilipinas ay isa sa pinakaligtas na lugar para sa mga turista. Sa init ng panahon ngayon, maaaring pinapawi lamang ni Gordon ang alinsangang nadarama sa pamamagitan ng pagbibiro. Isa pa, bahagi ng trabaho niya bilang Tourism Secretary ang pagpapabango sa Pilipinas upang makahatak ng mga turista at maisalba ang nakalubog na industriya ng turismo.
Habang sinasabi ni Gordon na ligtas ang bansa sa turista, lumiligalig at nakapangangamba ang kalagayan ng mag-asawang Amerikanong bihag na sina Martin at Gracia Burnham na nananatiling hawak ng mga bandidong Abu Sayyaf. Kahit na nagsanib na ng puwersa ang Kano at Pinoy, wala pa ring liwanag kung kailan maililigtas ang mag-asawa. Dinukot ang mga Burnhams sa Dos Palmas resort sa Palawan noong May 27, 2001. Ang Pilipinang si Deborah Yap ay hawak din ng mga bandido.
Habang nagbibiro si Gordon na ligtas ang mga turista sa bansa, hindi pa rin napapawi ang pangamba sa mga itinatanim na bomba. Sampung bomba pa ang umanoy nakatanim sa Metro Manila at pati ang Malacañang at Kongreso ay tataniman din. Inaako ng Indigenous Peoples Federal State Army ang responsibilidad sa pagtatanim ng mga bomba.
Kung safe para sa mga turista ang Pilipinas, bakit sa pagbaba pa lamang sa eroplano ay nabibiktima na sila ng mga magnanakaw, snatcher, holdaper at mga buwayang pulis sa airport. Gaano karaming turista ang nabibiktima habang patungo sa hotel na kanilang tutuluyan? Maging sa mga sikat na resort na tulad ng Boracay ay may mga turistang nabibiktima ng mga halang ang kaluluwa. Ilang buwan na ang nakararaan, isang turistang Israeli ang pinatay habang naglalakad kasama ang kanyang Filipina girlfriend.
Ipinagmamalaki ni Gordon na tanging si Guillermo Sobero, (kasama ng mga Burnhams na dinukot sa Dos Palmas) ang tanging namatay sa kamay ng mga Abu Sayyaf. Sinabi rin naman niya na ang mga natagpuang bomba sa Metro Manila at Mindanao ay hindi nakapagbigay ng pinsala.
Palagay namin, nagbibiro lang si Gordon. Hindi naman talaga ligtas ang Pilipinas bilang tourist destination. Ganoon man, hindi dapat tawanan ang kanyang pagbibiro lalo na ng gobyerno. Gawin ang lahat ng paraan upang maging ligtas ang Pilipinas para sa mga turista. Patunayan din muna sana ni Gordon na ligtas nga rito bago maghayag ng balita kahit na pabiro. Para hindi naman katawa-tawa.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest