Minabuti kong kausapin si Mang Senting isang araw. Mang Senting, ano ba ang katumbas sa lalaki ng "Reyna ng Tahanan at Ilaw ng Tahanan? tanong ko sa kanya habang kinukumpuni ang bakod ng bahay.
Huminto sa ginagawa si Mang Senting at nag-isip sandali. Hindi ba ang salitang haligi? Pero biglang idinagdag ang, Subalit ang haligi ay tumutukoy sa pamumuno. Maaring lalaki o babae. Mayroong haligi ng bayan para sa meyor. O haligi ng probinsiya na tumutukoy sa gobernador na maaaring lalaki o babae. Wala yatang katumbas para sa lalaki, Doktor.
May kasama nang biro ang idinagdag ko. Ano kaya Mang Senting kung ang katumbas ay Hari ng sabungan.
Sabay kaming humalakhak.
Ang asawang si Maring ay nasa bintana at naririnig ang aming pinagkukuwentuhan. Sabi ni Maring. Maraming katumbas para sa lalaki. Tama ka Doktor na maaari silang tawaging hari. At maraming puwedeng itawag kay Senting.
Sige nga Maring. Anu-ano ang mga ito?
Bago sumagot si Maring ay bumulalas muna ng tawa at saka nagsalita: Si Senting ay Hari ng Katamaran, Hari ng Kabulastugan, Hari ng Kayabangan, Hari ng Kalokohan, Hari ng Katakawan, at Hari ng Kasakiman.
Gusto kong mamatay sa katatawa. Nakapikit naman si Mang Senting na parang tinatamaan sa bawat pagsambit ni Maring.