^

PSN Opinyon

Ang 'haring' si Mang Senting

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
Naging interesado ako sa katagang "Reyna ng Tahanan" at ‘‘Ilaw ng Tahanan’’ na madalas gamitin sa nayon. Ang hindi ko natanto ay puro sa ina nakatutok at walang katumbas para sa ama.

Minabuti kong kausapin si Mang Senting isang araw. ‘‘Mang Senting, ano ba ang katumbas sa lalaki ng "Reyna ng Tahanan at Ilaw ng Tahanan?’’ tanong ko sa kanya habang kinukumpuni ang bakod ng bahay.

Huminto sa ginagawa si Mang Senting at nag-isip sandali. ‘‘Hindi ba ang salitang haligi?’’ Pero biglang idinagdag ang, ‘‘Subalit ang haligi ay tumutukoy sa pamumuno. Maaring lalaki o babae. Mayroong haligi ng bayan para sa meyor. O haligi ng probinsiya na tumutukoy sa gobernador na maaaring lalaki o babae. Wala yatang katumbas para sa lalaki, Doktor.’’

May kasama nang biro ang idinagdag ko. ‘‘Ano kaya Mang Senting kung ang katumbas ay ‘Hari ng sabungan’.’’

Sabay kaming humalakhak.

Ang asawang si Maring ay nasa bintana at naririnig ang aming pinagkukuwentuhan. Sabi ni Maring. ‘‘Maraming katumbas para sa lalaki. Tama ka Doktor na maaari silang tawaging hari. At maraming puwedeng itawag kay Senting.’’

‘‘Sige nga Maring. Anu-ano ang mga ito?’’

Bago sumagot si Maring ay bumulalas muna ng tawa at saka nagsalita: ‘‘Si Senting ay ‘‘Hari ng Katamaran, ‘‘Hari ng Kabulastugan, ‘‘Hari ng Kayabangan,’’ ‘‘Hari ng Kalokohan,’’ ‘‘Hari ng Katakawan,’’ at ‘‘Hari ng Kasakiman.’’

Gusto kong mamatay sa katatawa. Nakapikit naman si Mang Senting na parang tinatamaan sa bawat pagsambit ni Maring.

ANO

ANU

DOKTOR

HARI

ILAW

MANG SENTING

REYNA

SENTING

SI SENTING

TAHANAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with