Pag-asa ang hatid ng Pagkabuhay na Muli
April 1, 2002 | 12:00am
Marami sa ating mga kababayan ang nagpinetensiya at namanata. Ang pagtalikod sa ating mga kasalanan at pagbabagong buhay ang resolusyon sa harap ng Diyos dahil sa Kanyang ginawang pagliligtas sa atin. Dakila ang Kanyang pagmamahal na nagtiis ng hirap para tubusin ang ating mga kasalanan.
Ang Kuwaresma ay hindi nagtatapos sa pagkamatay ni Jesus sa krus. Siya ay nabuhay muli tulad ng Kanyang dakilang pangako, umakyat muli sa langit hanggang sa kanyang muling pagbabalik. Ang kanyang pagkabuhay ang nagbibigay sa atin ng liwanag at pag-asa sa ating personal na buhay at bansa. Sa kabila ng mga pagsubok na ating hinaharap, may magandang bukas na naghihintay sa atin kung tayo ay mananampalataya at gagawa ng mabuti sa ating sarili, kapwa at bansa.
Sa pagbabalik natin sa opisina at tanggapan mula sa mahabang bakasyon, isabuhay po sana natin ang mga pangako at resolusyon. Pagkatapos ng mahabang pamamahinga at pagsisiyasat ng puso at isipan, nakahanda na ang ating mga sarili sa pagsalubong sa mga pagsubok na haharapin. Dahil dito, naisin po natin ang maging huwaran sa ating mga pamilya, tanggapan o opisina at bansa.
Ang Kuwaresma ay hindi nagtatapos sa pagkamatay ni Jesus sa krus. Siya ay nabuhay muli tulad ng Kanyang dakilang pangako, umakyat muli sa langit hanggang sa kanyang muling pagbabalik. Ang kanyang pagkabuhay ang nagbibigay sa atin ng liwanag at pag-asa sa ating personal na buhay at bansa. Sa kabila ng mga pagsubok na ating hinaharap, may magandang bukas na naghihintay sa atin kung tayo ay mananampalataya at gagawa ng mabuti sa ating sarili, kapwa at bansa.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest