Happy Easter!
March 31, 2002 | 12:00am
NGAYON ay ipinagdiriwang ang muling pagkabuhay ni Jesus. Matapos ang kanyang paghihirap at pagkamatay sa krus, gaya ng Kanyang sinabi makalipas ang tatlong araw ay mabubuhay siyang muli.
Madilim pa ay nagtungo na si Maria Magdalena sa lugar na pinaglibingan ni Jesus. Laking gulat ni Magdalena nang makita na nabuksan ang pinaglagakan ng bangkay ni Jesus na hindi rin niya nakita sa himlayan nito. Lalo siyang nagulumihanan nang may isang lalaki na lumapit sa kanya at hindi siya makapaniwala sa nakitang muling nabuhay na Panginoon. Buong lugod na ibinalita ni Magdalena kina Pedro at iba pang apostoles na muling nabuhay si Jesus. At silay napuno ng banal na espiritu. Maging ang apostoles na si Tomas ay nagsabi na hanggat hindi niya nakikita at nahihipo ang butas sa pinakong kamay ni Jesus ay hindi siya maniniwala. Nang magharap sila napatunayan niyang buhay nga si Jesus na nagsabi na maniwala si Tomas dahil nakita at napatunayan niya.
Gaya ni Tomas na to see is to believe, hindi tayo basta naniniwala at kadalasan ay kinukuwestiyon pa natin at kinokontra ang mga bagay na sa ating palagay ay mahirap paniwalaan. Sa kaso ni Jesus, totoo siya at walang-bahid na kasinungalingan. Sinabi ni Jesus na mapalad ang mga naniniwala kahit hindi nila nakikita ang Diyos na laganap ang pagmamahal sa kanyang mga nilikha na tinubos Niya ang kasalanan.
Happy Easter Sunday sa inyong lahat. God bless.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest