^

PSN Opinyon

Iwasang magka-cirrhosis

WHAT'S UP DOC? - Dr. Tranquilino Elicaño Jr. -
ISA sa karaniwang dahilan ng pagkakaroon ng cirrhosis ay ang grabeng pag-inom ng alak. Dahilan din ang viral hepatitis, malnutrition, chronic inflammation at pagbabara ng ducts sa atay. Namamatay ang cells sa atay at hindi na maaaring ma-repair kaya nagiging banta ito sa buhay. Sa madaling salita, mapanganib ang cirrhosis.

Ang may cirrhosis ay makararanas ng mga sumusunod: pagsusuka, kawalang gana sa pagkain, pagbaba ng timbang, constipation at diarrhea. Maaaring magkaroon din ng jaundice at kasunod ay ang sintomas ng edema at anemia. Ang pagdurugo ay maaari ring maranasan.

The damage livers of people with cirrhosis are often unable to cope with large amount of fat. This is because the damaged liver had difficulty making bile which is needed for fat digestion.

Ang mga pagkaing mataas sa carbohydrate ay maaaring makatulong para hindi ganap na masira ang atay. Nararapat na bawasan nang may cirrhosis ang pagkaing masyado ang fat gaya ng hard cheeses, dairy products at ganoon din ang mga pagkaing masyado ang spices lalo na ang mga barbecued foods sapagkat may taglay itong toxin. Patients with advanced cirrhosis may suffer from edema or dropsy where excessive fluid retention causes local or general sweeling of body tissues and if this condition arises, you should cut down on your salt and sodium intake.

Isa sa mga pangunahing paraan para maka-recover sa cirrhosis ay ang lubusang paghinto sa pag-inom ng alak. Ang alak ang nagiging dahilan kaya hindi maka-absorb at makapag-store ng mga vitamins at minerals ang katawan.

Ipinapayo sa mga may cirrhosis na kumain nang mga pagkaing sapat sa complex carbohydrates na kinabibilangan ng kanin, patatas, wholegrain bread at pasta. Kumain din ng sariwang gulay at prutas, isda at itlog. Ang mga pagkaing ito ay may vitamins na kailangan ng katawan para mapalitan ang nawalang nutrients at upang mapanumbalik ang timbang.
* * *
Happy Easter sa lahat!

CIRRHOSIS

DAHILAN

HAPPY EASTER

IPINAPAYO

ISA

KUMAIN

MAAARING

NAMAMATAY

NARARAPAT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with