Ang kasaysayan ng paghihirap ni Jesus sa krus ay taun-taong inilalarawan sa atin upang ipaalaala ang pagtubos niya sa ating mga kasalanan. Nagpakahirap siya para sa atin. Siya ang dahilan kung bakit tayong lahat ay nabubuhay sa mundong ito.
Sa kabila ng kaalamang iyan, nakalulungkot na nalilimutan natin ang katotohanan Niya sa buhay natin. Tuloy pa rin ang kawalanghiyaan, kaguluhan at mga kasalanang labag sa kautusan.
Hindi matigil ang patayan, pandaraya, rape, kidnapping, graft and corruption at ibat iba pang mga uri ng kriminalidad na alam nating lahat ay hindi pagsunod sa kagustuhan ng Diyos. Marami pa ring mga Hudas sa ating kapaligiran. Marami pa ring Pedro, na itinatatwa ang Panginoon.
Ngayon ay alam ko na. Nararapat nga marahil ang pagpapaalala sa atin ng Semana Santa. Ang Mahal na Araw ang magbibigay sa atin ng pagkakataon upang pagmuni-muniin natin ang ginawang paghihirap ni Jesus upang tayo ay mailigtas sa mga kasalanan. Maligayang pagkabuhay sa lahat!