Ceasefire sa Abu Sayyaf, kagaguhan

Parang mga batang nagngangawa ang grupo at kamag-anak ni Bakal Hapilon, utol ni Isnilon, isa sa mga commander ng Abu Sayad este, Sayyaf pala sa Lantawan, Basilan. Humihingi ng ceasefire sa militar porke malubha raw ang tama nito ng makabangga ang tropa ng 1st Scout Ranger ng Philippine Army.

Lima lang naman sa asong kabig ni Bakal ang namatay. Buti nga!

May style pa ang mga kamag-anak ni Bakal sa militar. Palit ulo ang gusto nilang mangyari. Ipagamot ang bandidong rebelde kapalit ng kalayaan ni Deborah Yap, ang nurse na ginawa nilang hostage.

Sabi ng mga kuwago ng ORA MISMO magandang pakinggan ang gustong exchange gift pero pangit kung gagawin kasi tiyak kong hindi ignoramous ang gobyerno para sa kahilingan nina Bakal.

May tama si Bakal. Nagpapasaklolo ito. Paano ang mga kasamahan niyang tinamaan din at namatay? Di ba iniwan nila sa bundok porke sagabal kung bibitbitin nila ito sa kanilang pagtakbo? Paano ang mga pinugutan nila ng ulo binigyan ba nila ito ng hustisya? Paano ang 9-anyos na batang babaing ginahasa nila? Pinag-isipan ba nila kung dapat o hindi ang kanilang gagawin?

Ngayon taas kamay silang umiiyak sa militar para ipagamot si Bakal porke mamamatay na ito. Dapat lang!

Parang mga asong ulol ang Abu Sayyaf sa kabobotak at wala nang masulingan. Pagod na ang mga ito. Wala na silang lakas. Hindi na rin sila makabatak ng shabu porke pirming nasa likuran nila ang militar na humahabol sa kanila.

‘‘Malapit nang magwakas ang kasamaan ng Abu Sayyaf. Hindi na sila tinatantanan ng militar,’’ sabi ng kuwagong sepulturero.

‘‘Sa palagay mo ba mauubos ng militar ang Abu Sayyaf?’’ tanong ng kuwagong SPO-10 sa Crame.

‘‘Palagay ko hindi mauubos.’’

‘‘Bakit?’’

‘‘Wala ng pondo ang militar pag namatay ang Abu Sayyaf.’’

‘‘Hindi mauubusan at hindi mawawala?’’

‘‘Bakit naman?’’

‘‘Andyan pa ang MILF at MNLF.’’

Show comments