Editoryal - Patungo sa kalbaryo
March 27, 2002 | 12:00am
Marami ang nabigo sa administrasyon ni dating President Estrada partikular ang masa na nalubog sa hirap at dusa. Marami ang nag-akala na sa pagkakaalis kay Estrada ay masusumpungan ang glorya. Mahigit isang taon na ang nakalilipas mula nang mapaalis si Estrada ay wala pa ring nakikitang pagbabago sa katayuan ng masa. Nakalubog pa rin sa dusa at nilalakbay pa ang kalbaryo ng paghihirap patungo sa Golgota. Nakikita ang lalo pang paghihirap ng mga kapus-palad.
Hindi maramdaman ng masa ang sinasabing pag-unlad na gaya ng sinasabi ng Arroyo administration. Marami pa rin ang nagrerebolusyong bituka na ang kakainin sa kinabukasan ay pinuproblema. Walang tigil sa pagtaas ang mga pangunahing pangangailangan. Unang nagtaas ng singil ang tubig na sinundan ng pagtataas ng gasolina kamakailan lamang. Ngayoy ang namimintong pagtaas ng singil sa koryente ang nakatakdang maging pasang krus ng kawawang mamamayan.
Nakagigimbal ang gagawing pagtataas ng Manila Electric Co. (Meralco) na umanoy aabot sa 116 percent. Ang labis na apektado ng gagawing pagtataas ay ang mahihirap sapagkat ang kanilang kakarampot na kinikita ay mapupunta lamang sa koryente. Hindi makatwiran kung matutuloy ang balak sapagkat wala namang nagaganap na pagtaas ng sahod. Labis itong nakababahala na magdudulot na naman ng pag-aalsa at pagmamartsa sa kalsada. Mabubulabog ang mahihirap na hirap na hirap na sa kalagayan ng buhay. Tiyak na maraming pabrika o kompanya ang mapipilitang magsasara dahil hindi kakayahin ang bayad sa konsumo. Maraming kompanya ang magbabawas ng trabahador.
Marami ang nagtataka kung bakit magtataas ng singil sa koryente ang Meralco gayong hindi naman sila nalulugi. Sinasabing sa balak na pagtataas ng singil ay kikita ang Meralco ng P16 bilyon. Walang makitang malinaw na dahilan ang balak na pagtataas na nataon pa sa panahong bagsak ang ekonomiya at nasa kaguluhan ang bansa dahil sa pulitika. Kung kailan may gusot ay saka naman sila pumapasok.
Dapat makialam si President Gloria Macapagal-Arroyo sa balak na ito ng Meralco. Taliwas ang balaking ito sa ipinangako niya sa taumbayan na bababa ang singil sa koryente. Ang pangako ay ginawa niya nang lagdaan ang Power Reform Law noong nakaraang taon. Alisin ang pasanin ng mahihirap sapagkat ang kanilang balikat ay nagsusugat dahil sa maraming pahirap. Hindi dapat kalbaryo ang tunguhin kundi ang kaginhawahan na matagal ng ipinagkakait ng mga nagdaang pinuno.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
December 23, 2024 - 12:00am