Kaya humiling siya ng kaukulang kabayaran ayon sa batas ng Workmens Compensation. Boluntaryo siyang tinulungan ng isang abogado sa lahat ng papeles. Pagkaraan nito pumayag siyang tumanggap ng P1,400 sa kompanya bilang kabayaran ng lahat ng dapat nilang tanggapin ayon sa batas.
Pumirma siya sa isang kasunduan kung saan nakalahad na kahit magaling na siya at wala nang TB, minabuti na niyang magretiro at kinakalagan niya ang kompanya sa anumang obligasyon pa. Ang kasunduang itoy inaprubahan ng Workmens Compensation Commission (WCC) sa isang desisyon.
Ngunit matapos ang kasunduang ito, napag-alaman niya sa isang kapitbahay na abogado na kulang ang ibinayad sa kanya para sa kapinsalaan. Kaya nagsampa siya ng bagong demanda. Sinalungat ito ng kompanya dahil may desisyon na raw ang WCC tungkol dito at itoy hadlang sa anumang susunod na reklamo pa. Tama ba ang kompanya?
Mali. Tumanggap na nga si Nardo ng P1,400 at sa isang kasunduang naging base ng desisyon ng WCC inamin niyang itoy kabuuang bayad na sa kanyang sakit. Subalit ayon sa batas, itoy kulang. Kayat ang kasunduang kanyang pinirmahan ay sadyang walang bisa. Itoy hindi maaaring maging batayan ng desisyon ng WCC. Hindi sinasang-ayunan ng batas ang anumang pamamaraan na maglilibre sa mga kompanya ng pananagutan sa ilalim ng Workmens Compensation Act. Kahit na pumirma ang isang manggagawa na sapat na ang kanyang tinanggap, itoy hindi maituturing na pagpapaubaya sa karapatang tumanggap ng tama at ayon sa batas (B.F. Goodrich vs. Workmens Compensation Commission 159 SCRA 355).