^

PSN Opinyon

Linggo ng Palaspas

BANTAY KAPWA - Cielito Mahal Del Mundo -
Napakaraming tao ang sumalubong at nagbunyi kay Jesus nang pumasok siya sa Jerusalem. Ang mga tao ring iyon ang sumigaw na dapat ipako sa krus si Jesus. Nilitis siya ni Pontio Pilato at hinayaan ang mga taong humusga. Naghugas ng kamay si Pilato tanda na wala siyang dapat panagutan sa naging pasya na ipako si Jesus.

Gaya ni Jesus bawat isa sa atin ay may pinapasang krus dahil ang mabuhay sa mundo ay hindi lipos na kaligayahan at kaginhawahan. Sa naging aksyon ni Pilato marami ring mahistrado sa kasalukuyang panahon ang katulad niya. Maraming mga walang-sala ang napaparusahang mabilanggo gayong ang mga tunay na salarin ay nakalalaya. Marami pa ring kaso ang hindi nalulutas at ang iba’y nalibing na lang sa limot. Kawawa ang mga biktima ng karahasan. Hindi matahimik ang kanilang mga kaluluwa na sumisigaw ng katarungan.

Madalas ding mangyari na ang pinapaboran ng hukuman ay ang mga mayayaman at makapangyarihan at ang mahihirap ay patuloy na pinagkakaitan ng katarungan. May mga bilanggong nahihirapan sa kulungan samantalang may mga maimpluwensiyang tao na hindi ikinukulong sa madilim at mabahong selda manapa’y malayang nakagagalaw sa air-conditioned hospital room. Patunay ba ito na hindi pantay-pantay at may kinikilingan ang hustisya dito sa ating bansa?

vuukle comment

GAYA

KAWAWA

MADALAS

MARAMI

MARAMING

NAGHUGAS

NAPAKARAMING

PILATO

PONTIO PILATO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with