Ang kakulangan sa sikat ng araw ay dahilan sa pagkakaroon ng osteomalacia. Mas madalas na nasa panganib sa sakit na ito ang mga may dark pigmented skin lalo kung lumipat sila sa isang lugar na may less sunny climate. Lumulubha ito kapag laging nakabalot ang kanilang katawan at hindi inilalantad sa sikat ng araw. Ang mga vegetarians ay nahaharap din sa panganib ng osteomalacia dahil ang mga gulay ay nagtataglay lamang ng kaunting Vitamin D.
Ang hindi maayos na pagdumi ay dahilan din sa pagkakaroon ng osteomalacia dahil hindi normal na naa-absorbed ang vitamins. Dahilan din ang kidney failure at sakit sa atay dahil hindi nakapagpa-process ng vitamins.
Ang matagalang paggamit ng antacids ay maaaring pagmulan ng osteomalacia dahil nire-reduce nito ang abilidad ng katawan para mag-absorb ng phosphorous at naiimpluwensiyahan ang level ng calcium sa katawan. Ang high intakes ng phytic acids na matatagpuan sa wheat bran at brown rice ay maaaring makadagdag sa panganib ng osteomalacia dahil pinipigil nito ang absorption ng calcium. Ang pagkawala ng calcium ay nadadagdagan dahil sa pag-inom ng tatlo hanggang apat na tasa ng kape sa isang araw ganoon din ang ang pagkunsumo ng protein at salt. Ang mga pagkaing may oxalic acid na kinabibilangan ng spinach, rhubarb at chocolate ay makababawas sa absorption ng calcium.
Kailangan nang maraming Vitamin D at calcium ang katawan upang maiwasan ang osteomalacia. Mahalaga ang isda, gatas, dairy products, green leafy vegetables at mga fortified foods na tulad ng margarines at breakfast cereals. Higit sa lahat pinakamagandang source ng Vitamin D ang sikat ng araw para maiwasan ang osteomalacia.