^

PSN Opinyon

Ibang klaseng abono

DOON PO SA NAYON - DOON PO SA NAYON ni Sen. Juan M. Flavier -
Mahusay na magsasaka si Mang Senting. Marami siyang alam na paraan sa pagsasaka. Gusto kong matuto sa kanya kaya lagi akong bumibisita sa kanyang bukid. Minsan ay nadaanan namin ang mga tanim niyang pinya. Pinuri ko ang malusog na mga pinya. Napansin ko ang mga tanim na sili sa pagitan ng mga pinya.

‘‘Sili ba iyan Mang Senting?’’ tanong ko.

‘‘Opo, Doktor.’’

‘‘Para ano iyon?’’

‘‘Iyan ay abono.’’

Takang-taka ako. Paano magiging abono ang sili sa pinya.

Napatawa si Mang Senting at saka nagpaliwanag.

‘‘Alam ninyo, Doktor, kailangang lagyan ng abono ang pinya para maganda ang paglaki at madaling magbunga. Mahal ang abono kaya ang ginawa ko tinaniman ko ng sili sa pagitan ang pinya. Sa tatlong buwan ay handa nang anihin at ibenta ang sili. Ang pera ay ginagamit kong pagbili ng abono para sa pinya. Kaya ang tawag ko sa sili ay abono.’’

‘‘Pasensiya ka na Mang Senting, hindi itinuro sa kolehiyo ng Medisina ang tungkol sa sili at pinya,’’ sagot kong nakangiti.

Idinagdag pa ni Mang Senting, ‘‘Ang iba ay nagtatanim ng talong, gabi, kalabasa o sitaw. Depende kung ano ang hiyang na tanim sa lupa. Ang importante, lahat ng tanim ay maaani sa loob ng tatlong buwan para pagkakitaan at maibili ng abono."

Humanga na naman ako kay Mang Senting dahil sa husay sa pagsasaka.

vuukle comment

ABONO

ALAM

DOKTOR

HUMANGA

IDINAGDAG

IYAN

KAYA

MANG SENTING

PINYA

SILI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with