^

PSN Opinyon

Ang sinumang may pananalig ay di kailanman mamamatay

ALAY-DANGAL - Jose C. Blanco S.J. -
LUMABAS sa isang pambansang survey na isinagawa sa bandang katapusan ng taong 2000 na tanging mga tatlumpung porsiyento lamang ng kabataang Filipino (edad mula pito hanggang dalawampu’t isa) ang naniniwala sa buhay pagkatapos ng kamatayan, sa langit at sa impiyerno. Ang mga taong nagsasagawa ng mga survey, mga taong kilalang may mataas na pinag-aralan, ay sobrang nasindak at nabagabag sa kinalabasan ng naturang survey. ‘‘Yaong mga naniniwala na walang muling pagkabuhay’’ ay sa katunayan mayoriya ng mga mas nakababatang tao sa paligid natin. Tila ang Simbahan at mga naniniwalang Kristiyano ay nagkulang (at napakalaking pagkukulang) sa pagpapaabot sa ating mga kabataan ngayon kung ano ang itinuturo ng Kristiyanong Pananampalataya tungkol sa kamatayan at buhay na walang hanggan, kung ano ang inuulit-ulit ng lahat ng mga Kristiyano tuwing Linggo sa Credo: ‘‘Sumasampalataya kami sa pagkabuhay na mag-uli ng mga nangamatay na tao, at sa buhay na walang hanggan.’’ Karamihan sa mga nakababatang tao sa ating bansa (at tila karamihan sa mga bansa sa buong mundo ngayon) ay walang hinagap sa kung ano ang ibig sabihin ng ‘‘buhay na walang hanggang,’’ kung ano ang sinasabi sa atin ng mga katagang. ‘Ako ang buhay.’’

Subalit sa Ebanghelyo ni Juan, at makapangyarihan sa kuwento ng pagbuhay muli kay Lazaro, makatatagpo natin ang panata at pangako ni Jesus, ‘na kasa-kasama ng mga Kristiyano sa kanilang kamatayan mula pa ng bukang-liwayway ng Simbahang Kristiyano.

Si Pablo, sa kanyang unang sulat sa mga taga-Corinto, ay may pamosong texto: ‘‘O kamatayan, nasaan ang iyong tagumpay; kamatayan, nasaan ang iyong kamandag?’’ (1 Cor. 15, 55). Dito ipinapakahulugan niya (sinasabi sa atin ng mga tagasalin niya) na hindi sa walang natural na kamatayan para sa mga taong dahilan sa mapanubos na gawain ni Jesus ay naligtas mula sa kapangyarihan ng kasalanan. Hindi: Subalit na ang Kristiyano, sa pananalig at pag-asa, ay di-maiingkwentro ang kamatayan bilang isang misteryo ng kadiliman, ng banta, takot – pati na kilabot. Ang Kristiyano, sa pananalig at pag-asa, ay makatatagpo ang kamatayan bilang kanyang pangwakas, malaya, pati na nakagagalak na engkwentro kay Jesus na namatay at nabuhay na mag-uli para sa kanya, upang makasama niya lalo’t higit sa huling oras ng kanyang panlupang pamumuhay. Ang santo ng Lisieux, ang Carmelitang madre na si Therese Martin, ang nagsabi nang tungkol sa kanyang kamatayan. ‘‘Hindi ako mamamatay; ako’y papasok sa buhay.’’ Para sa pananalig ng Kristiyano, yaon ang kamatayan isang pag-uwi sa tahanan ng isang mapagpatawad at mapagmahal na Ama. Kahalintulad ito ng pagkamatay ni Jesus sa Ebanghelyo ni Lukas, ‘‘Ama, sa iyong mga kamay inihahabilin ko ang aking espiritu.’’ Isang manunulat ng mga espiritwal na bagay ang nagsabing ang mga huling kataga ni Jesus sa krus sa ebanghelyo ni Lukas ay akmang ‘‘isinalin’’ ng isang bata sa kanyang panalangin bago matulog:

Ngayon ako’y pahiga na upang matulog

Panalangin ko, Panginoon, kaluluwa ko’y kupkupin

At kung ako’y mamatay bago magising

Panalangin ko, Panginoon, kaluluwa ko’y kunin. Amen.

(Itutuloy)

ANG KRISTIYANO

EBANGHELYO

KAMATAYAN

KRISTIYANO

KRISTIYANONG PANANAMPALATAYA

LUKAS

PANALANGIN

PANGINOON

SI PABLO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with