Editoryal - Labing-anim na taon ng pagsisilbi sa masa
March 17, 2002 | 12:00am
ITINATAG ang Pilipino Star NGAYON (unang tinawag na Ang Pilipino Ngayon) 20 araw makaraang bumagsak ang gobyerno ni Ferdinand Marcos noong February 1986. Dalawampung taong nagpakalunod sa kapangyarihan si Marcos. Parang kailan lamang at tatlong Presidente na ang minatyagan ng PSN at inireport sa masa ang kanilang mga ginawa. Naging matalas na mata ng bayan ang PSN. Walang nakaligtas. Nakita ang pagbangon, kaunlaran, kaguluhan, kahinaan at higit sa lahat, ang mga kabulukan ng mga nagsipaglingkod. Inihatid ang mga pangyayaring ito sa masang Pilipino nang walang labis at walang kulang.
Ngayon ay si President Gloria Macapagal-Arroyo naman ang minamatyagan ng PSN. Sinusuri siya at patuloy na hinihimay kahit mahigit isang taon na sa panunungkulan. Patuloy pa rin siyang pinupulsuhan at tinutugaygayan ang estilo ng pamumuno. Naluklok si GMA makaraang patalsikin sa puwesto si dating President Estrada noong January 20, 2001. Ang pangyayari sa pagkakapatalsik kay Estrada na nagsilang sa EDSA Dos ay malinaw na naipabatid ng PSN sa taumbayan. Walang kawala at naipabatid lalo sa masang pinangakuan ng bumagsak na Presidente. Nahaharap siya sa kasong plunder at kasalukuyang nakakulong sa isang government hospital.
Hindi nagbabago ang layunin ng PSN na makapaglingkod nang tapat sa masa. Bukod sa paghahatid ng balita at impormasyon, patuloy pa ring nagbabantay at nagpapaalala sa taumbayan na magmatyag upang ang nabawing kalayaan sa mapang-abusong pinuno ay hindi na muling masayang.
Ang patuloy na pagtatagumpay ng PSN ay utang namin sa masang mambabasa. Kung wala ang masa, wala rin ang PSN. Ang suporta ng mambabasa ang nagbibigay ng hininga para patuloy na pagbutihin ng PSN ang paghahatid ng mga makabuluhang balita at impormasyon. Patuloy na nagsisikap para mailahad ang katotohanan at maipaabot sa mambabasa. Nanatiling walang kinikilingan at pinapaboran at kalaban ng mga corrupt at mapang-abuso.
Mula noon napanatili ng PSN ang mabuting imahe kaya naging diyaryong pampamilya. Hanggang ngayon ay hindi lumilihis ang PSN sa tunay niyang layunin para sa masang Pilipino.
Labing-anim na taon na ang PSN at matibay ang paniniwala na dahil sa patuloy na pagsuporta ng masang Pilipino, titibay pang lalo ang pagsasama. Sa aming mambabasa, kasama namin kayo sa tagumpay.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended